The Billionaire's Substitute Bride
Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran.
Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina.
Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan?
Book 1: Completed
Book 2: Completed
Book 3: Completed