Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1030.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
YOUNG AGAIN

YOUNG AGAIN

Jey Kim
Noah's Pov: "Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad. Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas. Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya. "Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya. She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing. She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya. Tss! mas gwapo ako d'yan! I was about to walk away nang makaisip ng paraan para mapansin niya ako. Mabilis akong naglakad papunta sa likod niya. Patay malisya kong inapakan ang nakalaylay niyang gown na ikinalingon niya bigla. Damn! Did i hear a ripping sound? Lagot na! ang balak ko lang ay apakan ang gown niya para mapansin niya ako. Pero hindi ko gustong mapunit iyon. "Oh my God! What did you do?" halos mamutla ako sa tanong niya. Oh, great! You really did a great job! You've got her attention: now what? Akala ko ay hahampasin ako nito ngunit bigla na lang itong naupo sa harap ko at tahimik na umiyak.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Wanted: Mayaman, matulungin, at mamamatay na... sana. Joke lang ‘yon ng kaibigan—pero ang ending? Natagpuan ni Jenica ang sarili sa harap ng pinakamayamang lalaki sa siyudad: si Alexander Fuego, nasa wheelchair, naghihingalo, at nag-alok ng kasal na parang promo lang sa mall: "Marry me now, and inherit everything when I die." Siyempre, sino ba naman ang tatanggi sa instant yaman? Pero may problema: Hindi ito namatay. Ilang taon na ang lumipas, buhay pa rin si Alexander Fuego—fresh na fresh, at parang si kamatayan pa ang natigok sa halip na ang lalaki. Kaya tumakas si Jenica, dala ang sikreto: buntis siya sa tagapagmana ng Fuego Empire! Fast forward, balik bansa si Jenica. Mayaman na rin. Confident. Glamorous. Pero—wait lang. Si Alex? Gumaling na, mas hot pa, at may fiancé? Excuuuse me? Buhay pa siya, pero may balak na itong magpakasal sa iba? Game na. Pupunta si Jenica sa engagement party. Hindi para bawiin si Alex. Hindi para manira. Okay fine... maybe a little.
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Devil Husband

My Devil Husband

She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong lalaki ng kaibigan ng Lolo niya. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil ang lalaking pakakasalan niya ay isang mayabang, arogante at masama ang ugali na walang ibang ginawa kundi inisin siya kapag nagtatagpo ang landas nila at ginagawa nito ang lahat ng paraan para lang mapaatras siya sa kasunduan. Will their hate for each other eventually turn into love or will the hate gets worst that may cause war between the two families?
Romance
1048.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying Billionaire

Marrying Billionaire

Si Arya Morrison, gabi bago ang kanyang kasal, ay umuwi pagkatapos ng isang bachelorette party at nakarinig ng kakaibang ingay mula sa banyo. Natuklasan niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Caroline at ang kanyang kasintahang si Daniel, na may relasyon. Si Arya ay nawasak sa kanilang pagkakanulo. Kinabukasan, pumunta siya sa Civil Affairs Bureau para harapin si Daniel, ngunit kinansela niya ang kasal dahil sa aksidente ni Caroline. Nagpasya si Arya na huwag magpakasal sa kanya at lumayo. Di-nagtagal, nakatagpo niya si Allen Jones, ang CEO ng Dahua Entertainment, na nagmamadaling maghanap ng nobya. Sinamantala ni Arya ang pagkakataon at inialok ang sarili bilang isang potensyal na nobya sa kabila ni Daniel. Isinasaalang-alang ni Allen ang kanyang panukala, at ang kuwento ay nag-hang sa pananabik….
Romance
2.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Lascivious Agreement

Lascivious Agreement

come2adri
He's gay and she knows it. Hindi naman akalain ni Alary na sa muli nilang pagkikita ng kaibigan na matagal niyang hindi nakita ay muling mabubuhay ang damdamin na matagal niyang ibinaon sa limot. Ang hirap kaya magmahal ng isang bakla? - May posibilidad bang magkagusto ang isang bakla sa isang babae? Mali ba ang nararamdamang atrakson ni Klarius sa matalik na kaibigan? Akala niya's guni-guni lang ang muling pagsaludo ng kanyang sundalo sa muling pagkakita sa dalaga. Ano bang dapat niyang gawin sa paggising ng hindi normal na atraksyon sa babae? Papayag kaya si Alary sa gusto niya? - Love Between Lust Series #1 An affair between Alary and her gay friend, Klarius, will lead them to unveil their secrets, lies and the start of turning back to their past. @come2adri
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound To Love

Bound To Love

Si Zyrine Sue Madrigal isang High School student, mayaman, maganda, mataray pero mabait naman at higit sa lahat isang typical straight forward girl dahil ni minsan nag confess na siya sa long time crush niya. Naniniwala siya na balang araw sila din ang magkakatuluyan hindi pa ngalang ito ang time na magiging sila. Until one day dumating itong kinaiinisan niyang babae na nag-ngangalang Finley Cassiopeia Fajardo isang misteryosong babae na matalik na kaibigan/ ka-agaw niya sa crush niyang si Lander James Rodriguez. Dahil sa selos niya gumawa siya ng plano para magkalayo sina Finley at Lander magtagumpay kaya siya sa plano niya?. Pano kung may inamin si Finley sakanya. Maniniwala pa kaya siya na sila parin magkakatuluyan sa huli ni Lander?
LGBTQ+
10407 viewsOngoing
Read
Add to library
Talking To A Specter

Talking To A Specter

Si Averill Mae Fuentes ay hindi simpleng tao gaya ng karamihan. Nakikita, naririnig, at nahahawakan niya ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. Naging kaibigan niya ang isa sa mga kinatatakutan ng mga ito na kilala sa bansag na 'grim reaper'. Si Silas, sa kabilang banda ay isang multo, guwapong multo na kahit na si Averill na tao ay agad na napansin. Paano kung isang araw, ang guwapong multo ay humingi ng pabor sa kaniya? Matulungan kaya ni Averill ang guwapong multong ito? Paano kung mahulog ang loob ng isa sa kanila? Handa kaya syang malaman ang sikretong bumabalot sa pagkatao ni Silas o tuluyan itong magiging dahilan para layuan siya? Walang pinipili ang pag-ibig, ngunit paano kung sumibol ito sa pagitan ng multo at ng tao?
Paranormal
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
952 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status