Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Oh My Baby

Oh My Baby

Hindi ko alam pero parang napag iiwanan na yata ako ng panahon, sabi ng iba kaylangan ko na daw mag pakasal at mag karoon ng sarili kong pamilya, kasi daw hindi nako pabata pa. Bakit ika babata ko ba pag nag karon ako ng asawa't anak? "Khrizxxianna you need to have your own Family, darling," "Mom, I'm not on to that hindi ko kaya saka hindi madali ang gusto mo," "Mag blind date ka, may kilala akong anak ng mare ko na pwede mong maging asawa.' "No way Mom!, ayoko ng mga idea mo!" pasigaw kong sabi kay mommy. "Khrizxxianna you're turning forty this year and you should get married," sabi pa nito sa akin sabay inum ng hawak nyang baso na may laman na wine. "No, Mom I hate marriage, I just want to have a child that's it," and I just look at the pouring rain outside of the window. _SUNGYONGSOO15_
Romance
140 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nababasa Nila Ang Isip Ko

Nababasa Nila Ang Isip Ko

Ako ang tunay na anak ng pamilya Stone. Gamit ang gossip-tracking system ko, nagkunwari akong mahinhin at masunuring tao, pero sa loob-loob ko, matindi ako gumanti sa tamang oras. Ang hindi ko napansin ay may nakakarinig sa isip ko. “Kahit na anak ka naming tunay, si Alicia lang ang tunay naming tinatanggap. Kailangan mo matututong lumugar,” sambit ng mga kapatid ko. ‘Iniisip ko na baka sinira ko ang usapan namin ng demonyo sa nakaraan kong buhay kaya ako napuntas a pamilya Stone ngayon, naisip ko. Tumigil bigla ang mga kapatid ko sa paglalakad. “Si Alice ay masunurin, may sense kausap at mahal ng lahat sa pamilyang ito. Huwag ka magsimula ng drama para lang magpapansin.” Hindi ko mapigilan isipin, ‘Kung ganoon, may sapat ang sense niya para sirain ang buhay ng lahat at mahal na mahal kayo sa puntong nakakasuka na.’ Natanga ang ekspresyon ng mga magkakapatid.
Baca
Tambahkan
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
119 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
Baca
Tambahkan
Seduced By My Brother-in-law

Seduced By My Brother-in-law

Tagos sa kasalanan. Lunod sa tukso. Trixie Manalastas thought she had it all figured out—loyal assistant by day, quiet and composed by night. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang tumira sa iisang bubong kasama ng lalaking bawal niyang pagnasaan—ang brother-in-law niyang si Lance Dominic "Dom" Arriola. Tall, brooding, at laging naka-sando na parang kasalanan ang bawat muscle, si Dominic ang tipo ng lalaking tinitingnan mo lang dapat… pero hindi mo dapat hinahangaan. Lalo na’t kapatid siya ng fiancé mo. Pero paano kung sa bawat titig niya ay may banta ng tukso? Sa bawat sulyap, parang hinuhubaran ka na? Sa bawat gabing tahimik, may mga ungol na gustong kumawala? At paano kung isang gabing walang kuryente, sa ilalim ng init ng dilim, hindi mo na mapigilan ang sarili mo—at ang kasalanan ay hindi lang basta nangyari, kundi sinadya? This is not your typical love story. This is a tale of temptation, guilt, and a kind of pleasure na bawal pero hindi mo maitatangging gusto mo. Because sometimes… the one who ruins you, is the one you crave the most.
Romance
1042 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
40 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married To A Billionaire Beast

Married To A Billionaire Beast

“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Romance
10 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Night Best Mistake

One Night Best Mistake

“Let’s make a deal. Papayag ka sa kasal—just for show. Para kay grandpa. Name only, no real marriage. No interference in each other’s lives. Kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce tayo. Bilang kapalit, bibigyan kita ng financial compensation.” Napamaang si Nathalie. Compensation? Hindi niya naituloy ang pagtanggi. Naalala niya ang kapatid niyang naghihintay ng pambayad para sa gamutan. Isa pa, kaya naman talaga siya pumunta sa Zamora ay para humiram ng pera. Nakita ni Cedric ang pag-aalinlangan niya. Dagdag pa nito, “As long as you agree, kahit magkano—ikaw ang bahala.” Tahimik na nagbilang si Nathalie ng hininga. Ilang sandali pa, tumango na siya. “Okay, I agree.” Bahagyang ibinaba ni Cedric ang paningin, tinatago ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata. ‘Isang babaeng kayang ipagbili ang kasal para sa pera… how cheap,’ naisip niya.
Romance
9 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
373839404142
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status