Pinagtaksilan at Ikinasal
Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio.
Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana.
Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya.
Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya.
Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila.
Masaya silang pamilya ng tatlo.
Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako.
Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin.
Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko.
Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol.
“Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”