The Contractual Wife
Kailangang pakasalan ni Harvy Austria, ang kanyang assistant na si Dahlia Vega dahil sa hiling ng kanyang lolo na may karamdaman. Ngunit nakapangako na siya sa kasintahan niyang si Audrey na ito ang pakakasalan niya.
Subalit ang last will ng lolo niya ay nakakadismaya. Ibibigay lahat ng kayamanan kay Dahlia kung sakaling hindi niya ito pakasalan. Sa loob ng tatlong taon, kapag hindi sila naging ikay, maaari na silang maghiwalay at makukuha niya ang kanyang mana.
Kaya kinausap niya si Dahlia, at nalaman niya ang mga kondisyon ng dalaga.
Walang side chick habang kasal, magkikita pero privately lang.
Ito ang hahawak ng kanyang pera.
Aalisan muna ng ATM si Audrey, para matutong magtrabaho.
Magiging sweet sila at okay sa harap ng ibang tao.
Ngunit nahihirapan siya sa ganitong sitwasyon, lalo na at nasa paligid lang niya ang dalawang babae.
Lalo pa at habang tumatagal, ang timbangan ng puso niya ay nahahati na. Pero kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay Audrey.
Matagalan kaya ni Dahlia ang pasakit na ibinibigay niya dito? O susuko na lamang ito para bigyan naman ng dignidad ang sarili?
9.879.0K viewsCompleted