The Billionaire's First Love
“Papunta na tayo sa exciting part,” mapanukso ang tonong sabi ni Natalia rto. Wala siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi iparamdam kay Timothy kung gaano kasakit para sa kanya ang kataksilang ginawa nito. Unti-unti niyang kinalas ang butones ng suot niyang blusa. Tahimik lang si Matt habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi, “ Ibibigay ko saiyo ng buong-buo ang katawan ko. Damn, paligayahin mo ako. Paligayahin mo ako na para bang wala ng bukas. Gusto kong makalimutan ang kahayupang ginawa sa akin ni Timothy. Gusto kong kalimutan ang katarantaduhang ginawa nila sa akin,” nanginginig ang mga kalamnan na sabi niya rito.
“Natalia. . .”
“Angkinin mo ako, patunayan mo na hindi lang si Timothy ang lalaki sa mundo!” Yamot na sabi niya rito.
1020.0K viewsCompleted