GAME OF LOVE: Olivia Reid
"I don't do love. Ang pag-ibig ay tanda ng kahinaan. At hindi ako mahina. I am Olivia Reid!" Siya si Olivia Ried, palaban at mala-diyosa ang angking kagandahan; Kinaiinggitan ng mga kababaihan, kinababaliwan ng mga kalalakihan.
Ngunit sa likod ng kanyang tapang at ganda ay may isang nakaraang pilit nyang tinatakasan. Ang nakaraan niyang iyon ang dahilan kung bakit isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig kahit na kailan. Kaya naman kahit na marami ang nahuhumaling sa kanya, binabasted lamang niya ang mga ito.
Ngunit isang lalaki ang mukhang hindi tinatalaban sa taglay niyang ganda. Si Gabriel Craig na umpisa pa lang ay halata na ang pagkadisgusto sa kanya. At isang malakas na sampal iyon sa pride ni Olivia Reid. Kaya ang plano niya:: Paibigin si Gabriel Craig at pagkatapos ay iwanang luhaan!
Ngunit hawak ni Gabriel ang alas tungkol sa tunay niyang pagkatao. At iyon ang ginagamit nitong panakot para maging sunod-sunuran siya sa bawat naisin nito. Pero gaya nga ng mantra niya sa buhay; She is Olivia Reid. Matalino, madiskarte at hindi palulupig.
Sa labanan ng talino at patusuhan, sino ang magwawagi? Si Olivia Reid na ginagamit ang taglay na kagandahan para makuha ang lahat ng gusto sa buhay? O si Gabriel Craig na nakakaalam ng kanyang kahinaan?
1024.1K DibacaCompleted