SEND TO THE WRONG HEART
Dapat ay para sa foreigner na online boyfriend ni Erica ang nudes na sinend niya—pero sa boss niya napunta.
Oo, yung boss niyang halos araw-araw na lang galit sa kanya. Akala niya katapusan na ng mundo niya, lalo na kung malaman ito ng fiancée ng boss niya at ipinost sa social media para sirain siya. Inisip niyang matatanggal siya sa trabaho at wala nang balikan ang reputasyon niya.
Pero nagulat siya nang mapanood ang boss niya sa isang interview. Kalmado lang ito at ang sabi: "Girlfriend ko siya. Normal lang naman iyon sa magkarelasyon."
At just like that, nasangkot na siya sa isang kasinungalingang hindi niya inasahan. Kapalit ng pagtanggol sa kanya, kailangan niyang magpanggap na girlfriend ng boss niya... at kunwari'y nagmamahalan sila. Hindi ito bahagi ng trabaho niya.
Pero bakit parang unti-unti, nagiging totoo ang lahat?