Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man
natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy.
"Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord.
Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata.
Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao.
"Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko."
Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy.
Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din?
Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
2.2K DibacaOngoing