Defend Me, Ninong Azrael
Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya.
Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya.
Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?