Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Grayson Contract Love

Mr. Grayson Contract Love

Halos gumuho ang mundo ni Scarlett nang makita niya sa balita ang tungkol sa scandal niya. All the videos about her are spreading now online. Halos manlambot ang mga tuhod niya habang nakatingin sa malaking flat screen tv niya. Lahat ng video na lumalabas online ay walang katotohanan. Tinawagan niya ang kaniyang boyfriend/loveteam pero hindi ito sumasagot ganun din ang kaniyang kaibigan pero lingid sa kaniyang alaman na they are having a good night in the hotel. They are cheating on her. She thinks to end her life dahil sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kaniya ng fans nilang dalawa ni Eric. Inisip niyang tapusin ang buhay niya sa pamamagitan nang pagpapasagasa pero ang taong nakasagasa sa kaniya ay si Mr. Grayson. Mr. Grayson is the King of Entertainment.
Romance
1051.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo... Bunso sa tatlong magkakapatid na Montalvo. He's a typical guy who wanted to be in the world full of ladies. Masaya siya sa buhay na malaya, walang commitment until makilala niya si Cathlyn Agustin. Isa ito sa empleyado ng Montalvo Advertising Agency. Makakaya kayang baguhin ng isang Cathlyn Agustin si Ezekiel Montalvo? At handa kayang maging tagapagligtas ni Cathlyn ang amo nitong si Ezekiel laban sa mga nagtatanka sa buhay nito? Abangan natin ang kuwento ni Ezekiel Montalvo at Cathlyn Agustin hanggang sa mapatunayan nila na ang pag-ibig ay nakatakdang maramdaman ng dalawang taong tinadhana sa isa't isa at inilaan na pagtagpuin ang kanilang mga puso upang sa huli ay makamtam nila ang isang pag-ibig na wakas at totoo.
Romance
5.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Still Loving You (Tagalog Completed)

Still Loving You (Tagalog Completed)

makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang pakakasalan ni Kobe, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis. Para kay Camilla, isa mang kabaliwan ang kanyang ginawa hindi naman niya 'yun pinagsisihan dahil nakilala niya ang isang Kobe Herrera.
Romance
9.9107.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BLIND HITMAN (SPG)

THE BLIND HITMAN (SPG)

WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN SEXUAL AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED. Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?
Mafia
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Waves Of Ecstasy

Waves Of Ecstasy

Masaya at kuntento si Ciara Eliz Diaz sa Isla Atlan. Inosente, mabait at pagiging matalino nito ang hinahangaan ng lahat. Ngunit sa sobrang inosente at mabait nito—nangyari ang isang trahedya... Dahil doon, napilitang lisanin ni Ciara ang Isla. Hindi pa man sila nakaka-alis, naka-tagpo si Ciara ng bagay na magiging sanhi ng lahat. Bagay na magdadala sa kaniya sa Hacienda Grande. Lugar na pribado para sa mga mayayaman. Lugar ng mga ma-kapangyarihang Grande.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
Romance
9.624.7K viewsCompleted
Read
Add to library
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
Romance
1016.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status