Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex and Whys

My Ex and Whys

Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang dahil sa ganda o talino niyang taglay kundi dahil sa pagiging malamig, supalda, mataray at walang kinikilingan na kahit sino, kaya binansagan itong Ice Princess Pero kahit gaano kataas at lamig ng pader na matagal ng naitayo ni Cassandra ay walang hirap itong binasag at nilusaw ng isang masiyahin, malambing at hindi susuko na si Aubree Gonzales. Magagawa nga bang mapaibig at mapainit ni Aubree ang nagyeyelong puso ni Cassandra? Don't steal my story, this is my original.
LGBTQ+
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
Romance
1023.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love by Accident (The Billionaire's Escort)

Love by Accident (The Billionaire's Escort)

Kapit sa patalim si Meghan ng pumasok siya sa isang sikat na bar para magtrabaho. Her innocence caught the attention of their regular VIP customer named Brandon Cabwell, na isa sa pinakagwapo at pinakamayaman sa larangan ng business. Brandon sees girls as boy toys at wala sa bokabularyo nito ang salitang seryoso lalo na sa mga babaeng kagaya ni Meghan na sa tingin niya ay whore and gold-digger. He offered her to be his escort at pumayag siya dala na rin ng pangangailangan. Unexpectedly, Meghan got pregnant and she has nowhere to go. Brandon offered her to live with him but no feelings attached. Lingid sa kanyang kaalaman, matagal na siyang hinahangaan at iniibig ni Meghan but Brandon shows no love interest for her at all. Pinapangalagaan lamang nito ang kanyang imahe that's why he lend a hand to help her. Pero habang tumatagal unti unti ng nahuhulog si Brandon sa babaeng kailan man ay di niya pinangarap. Would he choose love over dignity and ego? or he would sacrifice his love for his image sake?
Romance
10188.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Claimed By A Billionaire

Claimed By A Billionaire

Perpekto ang buhay ni Celestine—o iyon ang akala niya. Bilang tagapagmana ng isang kilalang fashion empire, mayaman, sikat, at malaya siya… hanggang sa biglang bumaliktad ang lahat. Pinagpakasal siya kay Enzo, isang misteryosong bilyonaryong Formula 1 driver, at bigla siyang napasama sa buhay ng isang lalaking halos hindi pa niya kilala. Ang inaasahang pormal at maayos na kasal ay nauwi sa isang nakakaalab na laro ng pagnanasa, selos, at init ng damdamin. Nang isama siya ni Enzo sa kanyang high-octane na mundo ng karera, lalong tumindi ang tensyon: may mga karibal na nanliligaw, may panganib sa paligid, at unti-unting lumalabas ang possessive at obsessive na side ni Enzo—hindi siya nahihiya ipakita sa lahat na siya ay pag-aari niya. Sa pagitan ng kanyang pride, takot, at hindi mapigilang atraksyon, kailangan ni Celestine na harapin ang lalaking gustong makuha ang lahat… pati ang kanyang puso. Mapapapayag kaya si Celestine sa bilyonaryong nag-aangkin sa kanya, o hahayaan ba ng mabilis at mapanganib na mundo ng yaman, selos, at pagnanasa na sila’y maghiwalay?
Romance
10167 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Lost Billionaire

Babysitting The Lost Billionaire

Nang gabing iniwan si Dominic ng kanyang kasintahan ay siyang nakatagpo rin niya ang babaeng walang malay at sugatan, nang magising ay walang maalala at bumalik ang pag-iisip sa pagkabata. Hindi akalaing ang babaeng 'yon ay isa pa lang bilyonarya, binalik niya ang dalaga kapalit ng pera para maipagamot ang tatay-tatayan. Sa paglipas ng taon ay nanumbalik ang alaala ni Amara ngunit hindi na niya maalalang nakilala niya minsan sa buhay niya si Dominic. Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang landas, aplikante sa kanyang kumpanya ang lalaki. Nang maging secretary niya ito ay pinatuloy rin niya sa mansion niya si Dominic na siyang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y masisira sa isang rebelasyon na si Dominic pala ang nawawalang anak ng bilyonaryo at sikat na businessman na siya ring dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Amara.
Romance
10223 viewsOngoing
Read
Add to library
Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma

Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma

Young, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansiyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip sa basket na pinaglagyan ng munting anghel. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, hindi niya alam kung sino doon sa kanila ang ina ng bata. Hindi niya kayang alagaan na mag isa ang bata lalo na at may negosyo siyang kailangan siya. Kaya nag hire siya ng yaya para sa anak niya. Nadia Carnaje-isang ulila, magaling na mang aawit at raketera na nangangarap na makapasok sa mansyon ng mga Montefalco. Pangarap niyang maging isang sikat na mang aawit, ngunit mas pinili niya ang maging isang yaya ng anak ng babaerong si Enrico Joaquin Montefalco. Ano ang maging papel ni Nadia at Baby Gio sa buhay niya, is it good or bad? Is he accept the fact and reality na isa na siyang ama o magpatuloy sa buhay na kinasanayan niya? Ito na ba ang karma sa pagiging babaero niya?
Romance
1013.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Owned by Mr. Billionare!

Owned by Mr. Billionare!

DÁRKVLADIMIR
“Wala kang kwenta! Walang saysay kung bakit ka pa nabuhay sa mundong ito!" - Isabelle Amelia Madrigal is still dedicated to achieve her dreams despite of the hardships that she had to face as there is an inspiration who continues to burn her heart, iyon ang kaniyang tunay na mga magulang. Ngunit ang lahat nang iyon ay gumuho nang malaman niyang ipinasok siya ng trabaho sa bahay aliwan upang maging isang bayaran na hindi niya inaasahang magpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Hindi niya inaasahang makakabanggaan niya ang isang sikat na bilyonaryong si Sebastian Trevino sa unang araw ng kaniyang trabaho. Hindi magiging maganda ang unang pagkikita nila dahil mayroong napakalaking gulo ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Paano kung ang aksidenteng ito ang dahilan nang pagkasira ng pagkaingat-ingatang pangalan ni Mr. Trevino? Paano niya ito magagawan ng paraan? Will he make her suffer in his vicious hands katulad ng karaniwang ginagawa nito ibang mga babae? O mayroon pa itong ibang pinaplanong gawin sa kanya? The Billionaire's Series @copyright2022 Itspurplejkeyy – Owned by the Billionaire 1 NOTE: No Copyright Infringement on the book cover. Credits to the owner.
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Fiance: Love Across Borders

The Doctor's Fiance: Love Across Borders

Atrytone Rae
Sa mata ng lahat, si Aster ay isa lamang doktora sa isang maliit na ospital kung saan ito lumaki. Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga ito siya ay isang sikat na doktor sa ibang bansa at magaling na surgeon. Tatlong taon ang nakakaraan ay nagtapo ang landas ni Aster at Dalton. Kilala si Dalton bilang isang maipagmamalaking anak ng langit, at hindi pa nito naramdaman na umibig, ngunit naiba ang lahat ng makita niya si Aster. Naghintay ito nang matagal upang mapa-ibig ang babae. Ngunit makalipas ang ilang taon, isang aksidente ang sumira ng lahat na naging sanhi ng pagiging paralisado nito. Upang mailigtas at magamot si Dalton, pumayag si Aster na magkapasal dito. Ngunit hindi niya inaakala na hindi lang kalusugan nito ang nawala ng dahil sa aksidente, pati na rin ang alaala nito. Nang dahil dito, nawalan na ng pag-asa si Dalton sa buhay, naging mababa ang tingin nito sa sarili at naging madilim ang buhay. Ngunit, patuloy si Aster sa paggawa ng paraan upang matulungan ang lalaking kaniyang minamahal.
Romance
694 viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Si Hestia Angela Gonzaga, isang sikat na pop idol, ay may madilim na sekreto: isa siyang assassin na sinanay ng Phantom Syndicate. Matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang pamilya noong bata siya, isinumpa niyang maghiganti sa mga mafia na sumira sa kanyang buhay. Ngayon, bilang CEO ng sarili niyang entertainment agency, ginamit niya ang kasikatan upang mapalapit sa kanyang target: si Demetrius Skye Van Heuffman. Si Demetrius, isang malamig at walang awa at makapangyarihang German-Filipino na mafia boss, ay bumalik sa Pilipinas bilang CEO ng isang multi-bilyong kompanya. Sa muling pagtatagpo nila, sinimulan ni Hestia ang kanyang plano—nagpanggap siyang kasintahan nito upang makalapit, makakuha ng impormasyon, at pabagsakin. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaking dati niyang kinamumuhian. Ngayon, nahaharap si Hestia sa matinding laban: itutuloy ba niya ang kanyang misyon ng paghihiganti, o susundin ang puso at isusugal ang lahat para sa isang pag-ibig na maaaring magwasak sa kanya?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status