Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE GENERAL'S LOVER

THE GENERAL'S LOVER

Trinity was on top of the world, the queen of queens. But the next thing she knew, ay dinukot na siya ng masasamang loob at ngayon ay pagsasamantalahan pa. She heard his voice and remembered him from the pool party. Nagpakilala itong Red, at ganoon din ang naririnig niyang tawag ng mga kasamahan nito dito. He began to touch her in all the areas where she had never allowed anyone to touch. He started kissing her neck as he slid his burning hands inside her panties. Her screams and cries were gagged. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba, pero parang narinig niya itong bumulong ng "I'm sorry", sa gitna ng mga kahayupan nito. She was blindfolded, and from the dirty talks and sickening laughter around her, she could tell that what is happening right now, is not a private. She had lost track kung ilang beses siyang inangkin ng rapist niya. She was rescued, but her life will never be the same. Lalo na nang malaman niyang nagdadalang-tao siya. Itinakwil siya ng pamilya niya dahil sa kahihiyan. Makalipas ang limang taon, siya na ngayon si Jade Contemplacion. Malayo sa buhay na kinagisnan niya, tahimik silang namuhay ng anak na si JM sa eskwater ng Tondo. Ngunit nabago ang lahat nang makilala niya ang fiance ng ate niya...na walang iba kundi si Brigader General Juan Miguel Enriquez, na mas kilala sa defense force call sign nitong 'Red'. She was ready to hate him all her life. Pero paano niya gagawin iyon kung paunti- unti nitong pinapatunayang mali ang lahat ng assumptions niya dito noon? That he could, in fact, be the husband-material type and a good father? Will Jade be able to forgive the man who ruined her life and actually let herself fall in love with him?
Romance
1014.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owned by the Devil

Owned by the Devil

Minchin
[FILIPINO] Jeanna De Lara is stuck to her past love. Hindi man niya binibigyan ng pansin; alam niyang malaki ang nagawa ng nakaraan sa kanya—lalong-lalo na sa pagtitiwala at pagmamahal muli ng iba. Moving on seems impossible alone. Hindi na masama kung may darating para tumulong na sa kanya.At nangyari iyon dahil sa isang pulang stiletto! She finally had the chance to meet someone who could possibly be her solution... or not.Kieth Leandro Montelvaro is one silent killer. Literal na mas gusto niyang manatiling tahimik lang para sa tahimik niyang buhay. But Fate seems to plan something else for him. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang babaeng makakatapat niya at nakakapagpabago sa lahat. She brought change—and a lot of trouble.With that faithful red stiletto, their lives collides into a very life-changing situation.Love. Trauma. Lies. Right timing.Saan nga ba hahantong ang kwentong noong una pa lang ay hindi na sana nabuo?
13.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
To Love Pryne's Impurity

To Love Pryne's Impurity

Kapit sa patalim ang naging buhay ni Phoebe matapos maaksidente ang kapatid at ngayon ay graduating college student pa siya. Hindi sana sila magigipit ng todo kung hindi sila tinakbuhan ng nakabangga sa kuya niya. At ngayon heto siya, binebenta ang sarili sa kung kani-kanino para sa pera. Kilala siya sa mga escort dahil sa ‘One-time-policy’ niya, hindi na nakakaulit ang mga kliyene niya sa kanya kahit anong pilit ng mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na naipit siya sa dalawang lalaki si Dr. Drew Martinez at Mr. Thomas Preston, ang isa na matagal na niyang gusto at ang isa na binili ang pagkatao niya sa pagiging escort. Mas pinili ni Phoebe ang maging submissive ni Thomas kaysa sa komplikadong lagay niya kay Drew dahil sa nobya nito. Tinanggap niya lahat ng insulto at ginawa niya lahat ng nais ng lalaki, hanggang hindi inaasahan mahuhulog sila sa isa’t isa kalakip ang mapait na katotohanan sa trahedyang kinaharap nilang magkapatid at ang kritisismong natanggap sa madaming tao dahil sa dating buhay ni Phoebe. Sa pagkakalagay nilang pareho sa alanganin mas pinili nilang harapin lahat ng bunga ng mga pagkakamali at tanggapin ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa. By BuzzyBee
Romance
1012.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MY BELOVED MAFIA BOSS

MY BELOVED MAFIA BOSS

Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1013.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)

The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)

Victoriaaa
Ako si Loukrisha Makabajo, ang NOT SO BEAUTY na dalagang sumabak sa pagkakasambahay makatulong lang sa pamilya at sa kasamaang palad, isang gwapong BEAST ang naging amo ko, si Spencer Mackenzie na kung ilalarawan ang ugali ay mas malala pa sa isang halimaw na naiisip ninyo.Sa pagdating kaya ng panahon ay maaari ding maging isang prinsepe ang BEAST na katulad niya kagaya ng nangyari sa isang kwento sa fairytale?Pwede rin kaya na ang isang NOT SO BEAUTY na kagaya ko ay magkaroon ng happily ever after kasama niya?
9.812.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A VOW OF HATE

A VOW OF HATE

"Buong akala ko sa pelikula at libro lang nangyayari ang sapilitan kang ipakasal sa taong hindi mo mahal, malala pa ay hindi mo kilala... pero ngayon, hindi ko lubos matanggap dahil ikakasal na ako... hindi sa taong mahal ko kundi sa isang lalaking napakalayo sa pinapangarap kong maging asawa. Isang taong may pusong bato! Pero mas masakit pa rin para sa akin ang ibayad ako ng aking ama!" -ZOE > > > > Zoe Reyes' life turned upside down the moment she found out that her known father, whom she used to love used her as collateral for his debt. She has to marry the man she never once met, a cold-hearted man, and just like her, he was enmeshed to marry her. She doesn't love the man for she already had someone in her heart but she was forced accept the marriage for the sake of his father's sanctuary. Whether they like it or not, they had to face the altar together, and in the end, they made a VOW OF HATE!
Romance
1012.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
11.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status