RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
Agad akong nagbihis nang makaalis si Damian, narinig kong mamayang alas syete ng gabi pa ang uwi nito. Pagkakataon kona ito para makatakas
Matapos kong magbihis ay sumilip muna ako sa labas ng kwarto. Alam kong maraming bantay ang nandito pero kailangan kong gawan ng paraan 'to. Gustong gusto ko nang makatakas sakanya
“ pst! ” sitsit ko sa isang bantay
“ Ano po 'yun señorita? ”
“ Nauuhaw ako, Gusto ko ng tubig. ” saad ko.
“ Sandali lang po. ”
Nilibot ko ang aking paningin. Ang ibang bantay ay abala sa paglilinis ng mga armas nila. Kaya naman dahan dahan akong naglakad, halos hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa kong ito.
Konti nalang ay malapit na rin ako sa pinto
Makakatakas rin ako rito..
Makakasama kona ulit sina mama at papa
Bubuksan kona sana ang pinto ngunit agad 'yong bumukas at bumungad saakin ang madilim na mukha ni Damian
“ trying to escape again? ”
“ damian.. ” umatras ako dahil sa takot.
dahan-dahan itong lumapit sakin
“ you can't escape from here, Avril. ” matigas na sabi nito
“ damian, pakawalan mona ako please.. ” nagmamakaawang sabi ko
“ Why would i? You're now my wife. ”
Umiling ako, “ Nahihibang kana Damian. Kahit kailan hindi ko papatulan ang isang demónyong gaya mo! ” lakas loob na sigaw ko
Oo nga't asawa niya ako. Asawa niya lang ako sa papel.
mula nang kidnapin ako nito ay naging impyerno na ang buhay ko. Wala na akong ibang naramdaman kundi puro takot at pangungulila sa mga magulang ko
“ So this is the evil you're talking about. ” matigas na aniya at pinutukan ang isa sa mga katulong rito.
napaiyak ako sa takot. Wala nang buhay ang inosenteng katulong
Ito ba talaga ang nakatadhanang buhay para saakin?
Ang pang habang buhay na maitali sa isang demònyong kagaya niya? Ang maging isang asawa ng demònyong 'to