Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kiss of Ruin

Kiss of Ruin

Akala ni Elara Cruz, nakatakas na siya sa madilim na nakaraan ng pamilya niya. Tahimik na buhay na lang ang gusto niya—malayo sa gulo, malayo sa sakit. Pero lahat nagbago nang makilala niya si Damian Blackthorn—ang cold, ruthless, at sobrang dangerous na heir ng isang crime empire. He’s everything she should avoid. Pero isang halik lang mula sa kanya, at malinaw na: “Akin ka.” Mahalaga ba ang puso kung kapalit nito ay buhay? Hanggang saan kaya ang kaya niyang isugal para sa isang pag-ibig na bawal, mapanganib, at nakakatukso? Sa mundong ginagalawan ni Damian, ang loyalty sinusukat sa dugo… at ang betrayal binabayaran ng kamatayan. At sa huli, kailangang pumili ni Elara: lalaban ba siya—o magpapalunod sa halik ng sariling pagkawasak?
Mafia
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My innocent wife

My innocent wife

His name is Luis Salvacion. SA kanya na ang lahat, mayaman, gwapo tinitiliian ng mga babae. Ngunit sa likod ng mga ngiti niyang pinapakita sa iba, tinatago niya ang sakit, lungkot galit para sa ama na siyang dahilan kong bakit bata pa lang nawalan na siya ng ina.  Pero ng nakilala niya si Samantha manalo. Nagbago ang lahat.Tinuruan siya nito kung anong ibig sabihin ng pamilya, tinuruan siya nito kung ano ang ibig sabihin ng pamamahal.  Ngunit magbago ba ang pagtingin niya sa dalaga kung makilala niya ito nang husto? Kung makilala niya kong sino talaga si Samantha Manalo? Tunghayan ang pag-iibigan ng dalawa na hahamakin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig at pagmamahal.
Romance
105.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding the Engineer's Twins

Hiding the Engineer's Twins

Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier that she's pregnant. Labis ang kabang nararamdaman niya noong araw na iyon. Maayos pa ang pag-uusap nila noong una pero nang isingit na ni Elara ang tungkol sa dinadala niya ay labis itong ikinagulat ni Xzavier. Pero sa kabilang dako ay sobrang ikinatuwa ni Xzavier ang sinabi ni Elara. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi ang hindi niya dapat sabihin. At dahil nga sa sinabi ni Xzavier ay labis na nasaktan si Elara kaya napagdesisyonan niyang magpakalayo-layo at buhayin na lang mag-isa ang bata. Sa paglipas ng panahon ay paano na lang kung ang anak niya na mismo ang humiling na gusto nitong makita at makilala ang kanilang ama? Itutuloy pa ba ni Elara ang pagtatago sa kanila o gagawin na lang niya ang kagustuhan ng anak alang-alang sa kaligayan nila?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Protecting the Playboy Mayor

Protecting the Playboy Mayor

Protecting the playboy Si Ayesha Kate “Katey” Montenegro, 26, ang nag-iisang babae sa pamilya Montenegro at pangarap maging detective, ay may bagong misyon: protektahan ang pinakasikat at pinaka-charming na playboy sa lungsod, si Mayor Calvin Fuentebella. Si Calvin? Lahat ng babae ay nahuhulog sa kanyang charm… maliban kay Katey. Sa bawat araw nilang magkasama, may tension, kilig, at nakakatawang eksena—habang unti-unti nilang nadidiskubre ang isa’t isa. Ngunit hindi biro ang misyon—kapag dumating ang panganib, kailangang ipakita ni Katey ang kanyang tapang bilang bodyguard. Sa huli, sa kabila ng mga intriga at eksenang nakaka-excite, matutunan nilang mahalin at igalang ang isa’t isa… at baka sa wakas, matutunan ni Calvin na may babae ring hindi basta-basta matatalo.
Romance
10476 viewsOngoing
Read
Add to library
Debt Repayment (Tagalog)

Debt Repayment (Tagalog)

Paano kapag nalaman mo na may pagkakautang ang iyong magulang sa iyon Ex-boyfriend? Anong gagawin mo? Ganito ang nangyari kay Jasmine, ang kompanyang inalagaan ng pamilya nila ay nalaman nalang niya na nabaon na pala sa utang. At sa taong hindi niya inaakala na magkakautang sila. Her Ex-boyfriend Jarred Raqueza. Wala siyang nagawa kundi ang kausapin ito. Para maisalba ang kompanya nila, ay nagkaroon sila ng kasunduan ni Jarred Raqueza na magiging katulong niya ito sa bahay niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Anong mangyayari sa kaniya? Bilang isang Engineer magiging katulong siya. At akala ni Jasmine magiging maganda ang trato sa kaniya. Pero hindi pala. Dahil ang layunin ni Jarred ay maghiganti sa kaniya.
Romance
9.197.1K viewsCompleted
Read
Add to library
I'm His Personal Maid

I'm His Personal Maid

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya. Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang. Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito? Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?
Romance
1025.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status