Amira
Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya.
Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira.
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw.
Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito.
Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
1021.1K viewsCompleted