THE CONGRESSMAN'S MISTRESS
Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila.
Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan.
Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw.
Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.