Midnight Rain
Juris Angela
There is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag ng dalaga. Isang panaginip na gumugulo sa tahimik niyang isipan.
Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat ng iyon nang mag-krus ang kanilang landas ng isang binata. He is the mysterious guy who she often caught standing in front of her house at midnight every single time the rain pours. Noong una ang akala niya ay masamang loob. Ngunit lumipas ang mga gabi, sa maraming beses itong bumabalik doon at tila naghihintay. Curiosity kicks in. Isang gabi nang maabutan niya ulit ang lalaki sa tapat ng kanyang bahay, naglakas-loob nang lapitan ni Luisa ito. Nang gabing iyon ay nakilala niya si Levi.
He is waiting for someone. Iyon ang dahilan kung bakit ito naroon at madalas maghintay. Lumipas ang mga araw at linggo, sa tuwing bumubuhos ang ulan, palagi pa rin niyang natatagpuan doon si Levi. Hanggang isang gabi ay pasukin ng masamang loob ang bahay ni Luisa, nanganib ang kanyang buhay, at ang unang nagligtas sa kanya ay walang iba kung hindi si Levi. Mulan ang gabing iyon, mula sa pagtayo nito sa labas ay tuluyan nang binuksan ni Luisa ang pinto ng kanyang tahanan sa binata.
Luisa finally found a friend and comfort in Levi. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng kulay ang buhay niyang puno ng kalungkutan at katanungan. Hanggang sa tuluyan nahulog ang puso ni Luisa kay Levi. Nagkaroon ng kabuluhan ang lahat nang masuklian ng binata ang kanyang damdamin. Sa gitna ng masaya at bagong pag-ibig, paano kung malaman ni Luisa isang umaga na ang lahat tungkol kay Levi ay hindi totoo?
1.5K DibacaOngoing