Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY  SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
Romance
10814 viewsOngoing
Read
Add to library
My Only One

My Only One

ScriptingYourDestiny
My Only One Ang makulit niyang kapitbahay na si Jhureign ang gumulo sa buhay ni Timothy simula no'ng lumipat siya ng bahay at lumayo sa pamilya niya. Ngunit hindi naman niya aakalain dahil sa paglipat niya ay mahahanap niya ang taong itinadhana para sa kaniya. Sa simpleng banat nito na nagpapangiti sa kaniya at nagpapatibok ng puso niya. Ngunit kung kailan siya nasanay sa prisensya ng dalaga, saka sila sinubok ng tadhana. @scriptingyourdestiny Ang story na ito ay purong fictional lamang. Kung mahilig kang magbasa ng plot na may taguan ng anak (ito ang hinahanap mo) Engineer at Engineer.
Romance
987 viewsOngoing
Read
Add to library
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night With the Wrong Man

A Night With the Wrong Man

Loreigna Miguel, anak ng isang business tycoon. Laki sa luho at nakukuha lagi ang gusto—well except sa puso ng lalaking nagugustuhan niya. Mula mag-dalaga ay naging pantasya niya ang barkada ng kanyang kuya na si Dr. Lance Valdez, isang veterinary. Kaya kahit wala siyang hilig sa pet ay kumuha siya ng alagang aso, para may dahilan siya sa madalas na pagpunta sa clinic ni Lance. Ngunit kahit nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin hindi talaga tinatablan ito sa kanya. Batang kapatid lamang ang tingin sa kanya ng binata. Kung kaya naman sa labis na pagkagusto dito ay gagawa siya ng desperadang hakbang upang maangkin ang lalake, Pipikutin niya ito! Plinano niya ng maayos ang gagawin niya at kung kailan feeling niya ay successful ang ginawa-nagkamhali siya. Dahil sa halip na ang lalakeng pantasya ang makikita kinaumagahan. Si Bjorn, ang lalakeng labis na kinakainisan niya ang bumungad sa kanyang tabi. She made the biggest mistake in her life. She spend the night with the wrong man.
Romance
1083.9K viewsCompleted
Show Reviews (19)
Read
Add to library
madhie
nice story, from puppy love to enemy to one true love. sobrang green flag ni Bjorn kasi kahit sobrang topakin ni Loreigna still mahal na mahal sya thank you Ms.A sa magandang story waiting for King & lance story.. now waiting sa update sa love story nina Ally at Roger na mga ex ni Ardent & Beryl
Margie Roylo
ayy ang ganda nito Ma'am sana po may update na agad nakita ko lng po ito kagabi then inunlock ko yong chapters hanggang natapos ko yong chapter 15 so excited for the next update favorite ko na tema yong love hate relationship Ma'am at fan mo po ako doon sa The Billionaire's Annoying Assistant......️...
Read All Reviews
Tied by the Contract with the Cold Billionaire Ceo

Tied by the Contract with the Cold Billionaire Ceo

There will be no romance. No emotional involvement. No claims. No jealousy They re married by contract Isang dalagang hirap upang iahon muli ang kaniyang pamilya, dalagang nais lamang ang magkaroon ng tahimik na Buhay at maabot ang simpleng pangarap ngunit dahil sa maling desisyon ng ama silay naghirap at nalubog sa utang, isang lalaking walang pakialam at ang tanging mahal lamang ay ang kaniyang Lola, lalaking walang kahit anong emosyon ang makikita sa Mukha, Kilala sa pagiging seryoso at ayaw sa kahit anong kamalian silay pinagtagpo ng dahil sa isang kahilingan at sa pagtulong, silay ipinagkasundo sa isang kasal, kasal na ang bawat isa sa kanila ay may kanya kaniyang interest ‎“You are forgetting your place,” malamig niyang sambit. “No,” matatag niyang sagot. “I’m defining it.”
Romance
10117 viewsOngoing
Read
Add to library
HIRED To Be His Wife

HIRED To Be His Wife

NamiCloud
Dahil sa kadahilanang gusto nya mapasaya ang kanyang ina ay naghanap si Alex ng magpapanggap na bilang asawa. Hindi nya naman inasahang makikita nya si Natasha sa Night club na pag mamay ari ng kanyang kaibigan na nagtatrabaho bilang isang waitress at doon ay nagkaroon sya ng interes para dito. Nang malaman nya ang malaking pinoproblema ni Natasha ay hindi sya nag atubiling alukin ito bilang maging peke nyang asawa kapalit ng malaking pera. Will Natasha accept his offer to be his fake wife to pay her mother’s debt or will she decline for the sake of her dignity?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Hidden Princess

The Hidden Princess

Aziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa ang kalbaryo ng kaniyang buhay na takbuhan ang mga bodyguards ng kaniyang tatay. Itago ang totoong pagkatao at umaktong hindi kilala ng lahat.Tago nang tago ang dalaga hanggang siya na mismo ang sumuko. Ano na naman bang magiging buhay niya kapag nasa poder na naman siya ng kaniyang mga magulang? Lalago ba ang kaniyang galit dito? O permanente na siyang hawak-hawak ng kaniyang mga tinataguan?Ang paaralan ang magpapahirap sa kaniya ngunit doon niya rin makikita ang taong hindi niya inakalang mamahalin niya. Mali ba ang kaniyang pagdedesisyon? Mali ba ang tinatahak niyang daan? Ang katigasan ba ng kaniyang ulo ang magpapahamak sa kaniya?Ms. Aziria Izzy Sullvian, hide!
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
till I found you

till I found you

Umuwi si Aliya probinsya nila. Gusto niyang ipahinga muna ang sarili sa toxic na mundo ng trabaho niya ang pagiging call center agent. Lalo na at gusto din ng kanyang ama at kapatid na magbakasyon siya. Doon niya makilala ang binatang mekaniko na si Jayson Fuentebella, na kapit bahay din nila. Madaming babaeng umaaligid dito at mga nagpapalipad hangin. Pero ang labis na ipinagtataka ni Aliya, ay ang pagiging masungit nito sa kanya. Habang, hindi naman nagsusungit sa iba at maayos naman ang pakikitungo nito sa ibang kadalagahan na katulad niya. Kapag bumibili siya sa grocery store nito ay palaging pasinghal, at hindi man lang kakikitahan ng lambing tulad sa iba. May pag-asa pa kayang mapalambot ni Aliya ang matigas at masungit na binata? Kung sa simula pa lang na lalapit siya ay itinataboy na siya nito.
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10367 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Thy Mistake

Love Thy Mistake

Aliyah wants a new start in her life kaya nagpasya siyang umalis sa kanilang bahay at manirahan mag-isa. She thought it was easy, but being independent is very difficult, lalo na't ang kaniyang buhay ay umiikot na may katuwang sa buhay. Ngunit hindi niya inaasahan na doon niya rin matatagpuan ang pag-ibig... isang makasalanang pag-ibig na hindi niya matatakasan gaya ng kung paano niya tinakasan ang marangyang buhay na kinagisnan. They both knew it was a mistake to fall in love with each other ngunit pinili parin nila na makasama ang isa't isa. Ngunit hanggang saan nila kayang panindigan ang makasalanang pag-ibig na ito? Maipaglaban kaya ito ng isa sa kanila hanggang dulo o, hahantong sa pagpapalaya at pagsuko?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status