The Cursed King
Van
Elona Del Santiago, Deshe-shete anyos, palaban at palaging positibo sa buhay. Lumaki siya sa pang-aabuso at pananakit ng kanyang tiyahin sa kanya. Gusto lang naman ni Elona ng isang matiwasay na buhay kung saan kahit magkanda ugod-ugod na siya sa pagtatrabaho ay okay lang. Basta mayroon lang siyang matatawag na pamilya. Titiisin niya.
Hanggang dumating ang araw na nakilala niya si Laurier, isang maginoo na lalaki. Ngunit paano kung…malaman ni Elona ang pinakatago-tago nitong sekreto?
Paano kung…hindi siya pangkaraniwang tao dito sa mundo? Handa ba’ng talikuran ni Elona ang lahat-lahat at tanggapin si Laurier? O, magiging isang madilim at masayang bangungot nalang ang lahat?