Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Runaway Bride's Keeper

The Runaway Bride's Keeper

Nag runaway bride ang dalagang si Girly, sa kadahilanang hindi niya mahal ang lalaking pakakasalan. Tinakasan niya ang kanyang mapapangasawa sa mismong araw ng kanilang kasal. Humingi siya ng tulong sa estrangherong lalaki na naka-encounter niya, ngunit ayaw naman siya nitong tulungan. Sa kadesperadahang makalayo ni Girly sa bayan nila ay nagbitiw siya ng salita na gagawin niya ang gustong ipagawa sa kanya ng lalaki basta ilayo at itago lang siya nito sa kanyang ama at kay Vincent. Nagkataong nangangailangan din ng tulong ang binatang bilyonaryo na si Enrico Briones kaya pumayag na siya na itago si Girly. In one condition, magpapanggap ang dalaga na girlfriend niya. Pumayag naman agad si Girly ng hindi na inisip ang maaaring maging consequences ng pagpapanggap niya. Sa angking karisma at gandang lalaki ni Enrico, hindi kaya ma-in love sa kanya si Girly? Ano kaya ang mararamdaman ni Girly kapag nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinagpanggap na girlfriend ng binata? Hindi kaya siya magsisi sa pagpayag niyang maging fake girlfriend ni Enrico? Masaktan kaya ang puso ng dalaga sa kanyang mga madidiskubre?
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Attorney's Revenge

The Attorney's Revenge

Dahil sa mapait na nakaraan kaya naging isang ganap na abogado si Ava Dizon. Ito ang susi para sa matagal niya nang minimithi. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng Papa niya labing-apat na taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Blaze Li para bigyan siya ng magandang alok na tiyak niyang hindi palalampasin nang katulad ni Ava. Paano maisasakatuparan ng isang abogado ang kagustuhan nitong maghiganti kung may bagay na siyang pumipigil sa kanya na gawin iyon? Si Blaze Li pala ay anak ng pamilyang involve sa kaso ng Papa ng dalaga. Ang tulad ba ni Blaze Li ang makakapagpabago sa isip niya o siyang tutulak din sa kanya sa buhay na hindi maganda? “I am a top surgeon in this country. Saan ka man pumunta sa akin ka pa rin nila irerekomenda. Accept my offer and you’ll live longer.” - Axl Blaze Li
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
You and Me Again? (Tagalog)

You and Me Again? (Tagalog)

"I will not promise you a happy life once you agreed to this union." Isang Arranged Marriage ang kinasangkutan nila Lumiere Jane Ramirez at Drake Achyls Hernandez matapos ang kanilang Senior Highschool. Isa itong Promise of Union ng dalawang pamilya at sa kanila ito maisasakatuparan. Habang naghihimutok sa galit sa pagtutol si Drake ay kaiba naman kay Lumiere dahil ito ay matagal ng may gusto kay Drake. Akala niya isang fairytale, kapag naikasal ka sa taong matagal mo ng gusto pero mas lalong naging cold, indifferent at malupit sa kaniya ang lalaki to the point he handed her a divorce. Namatay ang lolo ni Lumiere at sinisi niya ang lahat kay Drake. Nais na niyang iwan ito at hindi na magpakita pero nagkita sila sa isang bar. Nakita ni Drake na nakikipagsayaw sa iba ang kaniyang asawa. Sa unang pagkakataon ay inuwi siya nito sa condo para komprontahin. Dahil sa kalasingan ay nauwi ang lahat sa isang mainit na gabi. Kinabukasan ay nakita ni Lumiere ang divorce agreement at pinirmahan niya ito dahil hindi naman niya kayang pilitin ang lalaking mahalin siya. At ang nangyari kagabi ay dahil lang sa kalasingan. It was just a s*x. Umalis si Lumiere at hindi na muli pang nakipagkita kay Drake. After 5 long years, nagkita silang muli ngunit siya ay nobya na ng kaniyang pinsan na si Orphen. Lalo siyang nagalit ng malaman niyang may anak na ang mga ito. Pinilit niyang bawiin si Lumiere at nagsimula ang bawat dagok sa kanilang buhay. Isa bang sumpa ang Promise of Union o kailangan lang nilang mapatunayan na para talaga sila sa isat-isa.
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying Mr. Billionaire (Filipino)

Marrying Mr. Billionaire (Filipino)

Pinuntahan si Camilla ng bilyonaryong si Hector Gonzalez sa bahay nila para singilin sa utang ng kanyang ama sa halagang fifty million pesos na inutang nito. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa utang na 'yon ng kanyang ama. Wala siyang pera na pambayad dito. Isang linggo na rin na hindi umuuwi sa bahay nila kanyang ama. Pinagbantaan siya ng guwapong bilyonaryo na si Hector na kung hindi siya magbabayad ay ipakukulong niya ang ama nito. Natakot si Camilla. Nagmakaawa siya kay Hector hanggang sa bigyan siya ng chance nito. Kailangan niyang pakasalan ito kung ayaw niyang ipakukulong ang ama niya. Pumayag naman kaagad si Camilla kahit hindi niya mahal ito kaya kinasal kaagad sila ni Hector. Days had passed and she fell in love with him. Akala niya ay siya lang ang nag-iisang babae sa buhay nito ngunit hindi pala. Kasal na nga sila ngunit ang asawa niya ay palaging nasa babaeng mahal nito. It breaks her heart as she thinks of it. She realized that if it wasn't her father, she wouldn't fall in love with him and she wouldn't feel the pain of loving someone who can't love her in return. Sinisisi niya ang kanyang ama. Gusto niyang umalis sa sitwasyon na kinasasangkutan niya ngunit hindi niya magawa-gawa 'yon. She realized that maybe it's the way of paying her father's debt as she suffers the pain. Will she be able to find the happiness she deserves? Is she going to live a miserable life with him while her heart is still beating for his name every day? Is there a chance for Hector to love her in return because she's his wife already?
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
8.4K viewsCompleted
Read
Add to library
HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?

HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?

Sumugal si Ashy sa isang bagay na walang kasiguruhan. Piniki niyang magmahal pero hindi siya sigurado kung kaya nga ba niyang masaktan. Nagibg masaya naman sila ni Storm sa kabila ng katotohanan na may ibang taong masasaktan. Ang akala ni Ashy ay siya ang pipiliin ni Storm nung dumating ang panahong kailangan na niyang mamili. Naiwan siya sa ere, mag-isa, walang matakbuhan, nabalot ng kahihiyan. Nakakabangon na siya pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan okay na sana siya, tsaka pa ito nagbalik. Para saan? Para muli siyang saktan? Paano nga ba maghihilom ang sugat ng nakaraan? Kung hanggang ngaub ay patuloy ka paribg nasasaktan?
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Quest for Love

My Quest for Love

Megan Reyes, M.D., ang doktorang tanga. Tanga dahil nagpabuntis siya! Dapat bilang isang doktora ay alam niya kung paano at kailan ito mabubuntis. Pagkapasa sa Medical Board Examination ay nagkaroon ito ng one night stand with Robert, her first and only boyfriend na nagmula sa isang mayamang angkan. After two months, nalaman niyang buntis siya. Dahil dito nilait-lait siya at pinagbintangang gold-digger ng mga matapobreng magulang ni Robert. Pinalayas naman siya sa bahay ng sarili niyang mga magulang dahil sa kahihiyan sa pagiging isang dalagang-ina. Si Robert? Iniwan siya sa ere. Biglang gumuho ang mundo ni Megan kung kaya't nagpasya siyang magpakalayu-layo. Ang kahihiyang tinamo ni Megan ay nagdulot ng matinding galit sa kanyang puso. Subalit tulad ng isang Phoenix who built a nest and set itself on fire, a new Phoenix would rise from the ashes. Babangon ang bagong Megan. Pain had changed her life. Pagkaraan ng pitong taon nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas kasama ang anak. Lingid sa galit, naghahari pa rin ang pagmamahal sa kanyang puso kahit siya ay nasasaktan. Sapat na ba ang magmahal? Di ba dapat mahal ka rin ng minamahal mo? Mahanap pa kaya ni Megan ang minimithi niyang pag-ibig?
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Billionaires Lover

My Secret Billionaires Lover

"pwede ba kuya! hindi naman namin pinapalayas yang asawa mong magaling. Kusa siyang umalis dito sa bahay, sinampal niya pa si Celestine, isa pa nabalitaan ko sa mga friends ko na yung haliparot na yun ee dun na nakatira sa condo ni Oliver" sagot pa nito sakin habang si Celestine ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Cecille. "CECILLE! tigilan niyo na kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie." napatiim bagang kong sagot dito "sige tawagan mo Sebastian ng magkaalaman kung sino nagsasabi ng totoo dito. i-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan." sabi pa ni mommy sakin. "Hello Sebastian napatawag ka?" tanong nito sakin "Oliver may gusto akong malaman at gusto ko sabihin mo sakin ang katotohanan, lalaki sa lalaki sabihin mo sakin sayo na ba nakatira ang asawa ko?!" tanong ko dito "Sebastian, oo totoong sa condo ko nakatira si Natalie, pero hindi ganun ang ibig sabihin nun. Tinulungan ko lang siya ng minsan ay madisgrasya ang sasakyan na sinasakyan niya, nabangga ang kotse niya sa poste nung oras na umalis siya sa mansion niyo, nakiusap siya sakin na wala na sanang ibang makakaalam ng nangyari kaya pina block namin sa news ang nangyaring aksidenteng ! Kilala mo ako Sebastian, oo tarantado ako at mahilig sa babae, pero hindi ang klase ni Natalie ang babaeng papatol na lang sa ibang lalaki kung wala ang asawa niya. Sya ang klase ng babaeng irerespeto. Siguro kung wala ka sa buhay niya hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ligawan ko siya. Kaya ingatan mo ang asawa mo Sebastian, one in a million lang ang ganyang babae, kasi kung aayaw na talaga siya sayo. Hinding hindi ko siya pakakawalan."sagot nito sakin
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
DMCA.com Protection Status