A Woman's Unparalleled Love
Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan. Inilihim niya ang pagkakakilanlan niyang iyon sa pamilya Vergara, pamilya ng kanyang asawa na si Sebastian. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ay itrinato lang si Airith sa pamamahay ng pamilya Vergara na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay dinukot si Airith ng dalawang lalaki. Utos iyon ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba. Nalaman ni Airith mula rito ang nalalapit na pagbagsak ng pamilya Vergara dahil sa pag-atake ng hindi nila kilalang makapangyarihang tao. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon.
Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan ni Airith na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara. Sa kanyang pagbabalik ay marami siyang malalaman at matutuklasan. Kabilang na doon ang mas malalim pang pagkatao ni Stephen kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob rito.
10772 viewsOngoing