Perfectly Imperfect Love
pen_nyx
Sa mundong puno ng kasinungalingan, pipiliin mo pa rin ba ang taong paulit- ulit ka nalang niloloko? Magiging sapat ba para sa iyo ang mga matatamis na salita na halos walang katapusan niyang binabanggit sa iyo?
Si Mikaela Sabino, ang babaeng pinangakuan ng lahat ng bagay. Ang babaeng naniniwala na ang taong kaniyang minamahal ay magbabago para sa kaniya. Ang lahat ng sakit, pagkadurog, kawalan ng tiwala, karupukan, at paghihirap na mararanasan ay mapapalitan ba ng salitang "patawad"?
"Handa akong mahalin ka hanggang sa maubos ako, palagi lang akong nasa tabi mo kapag ako na ang kailangan mo. At handa akong masaktan kung ikaliligaya mo"
Ang lalaking magpapabago sa buhay ni Mika, ang taong dudurog sa puso ng babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Si Renrem Reyes, ay isang tao na lubos na pinipilit baguhin ang lahat ng pagkakamali na mayroon siya ngunit nang dahil sa tukso ay nagiging mahina ito. May pagkakataon pa ba na maging malakas siya para sa taong pinakamamahal niya? Hahayaan ba niyang mawala ito nang tuluyan sa kaniya at makuha ng iba ang babaeng pinangangarap niya?
"Pinipilit kong magbago, pangako. Pero tao lang din ako at may kahinaan, patawarin mo ako."
Magkakaroon ba ng masayang wakas ang dalawang tao na nakakaranas ng sakit? It is true that love can conquer everything?
9.33.0K DibacaCompleted