CINDERELLA FOR RENT!
Paano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal?
Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan?
Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval?
***
Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid.
Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao.
Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita.
They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana.
Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata.
A marriage for inconvenience.
Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga.
Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
108.1K viewsOngoing