I'll Be Yours
Miss Elle
Raizel Benitez-Cruz grew up believing that he was bullied by Cornelia Bella Braganza. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon—kung hindi aasarin at lalaitin, ang palaging ending ng pagtatalo nila ay magpapaka-ate ito sa kanya. Ang palagi pa naman tawag nito sa kanya ay “bata” at “taba.”
"Kahit kailan, hindi ko magugustuhan ang babaeng iyon!” So he said.
He had enough of her. Kaya ang naging solusyon niya ay sundan ito ng tingin at camera, kunin ang mga failed moments at reactions nito, at gamitin na pang-asar. Hanggang sa hindi niya namamalayan, hanap-hanap niya na ito. Dumating ang araw ng graduation ni Bella. Hindi niya inaasahan na sisisihin siya nito sa mga kamalasan nito sa buhay bago sila maghiwalay ng landas.
Walang ideya si Raizel sa mga pinatutungkulan ni Bella. Kaya ipinangako niya sa sarili na kung magkikita ulit sila, ipararanas niya rito kung ano ang malas na dala ng isang Raizel Cruz.
Magawa niya kaya ito kung sariling puso na ang kalaban niya?
102.7K viewsCompleted