UNCHAINED MY HEART
Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan.
Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae.
Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado.
Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
1099 viewsOngoing