Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Lalaki Sa Salamin

Ang Lalaki Sa Salamin

Paano nga ba magkakaroon ng katahimikan ang buhay ni Cecily kung gabi-gabi ay binabangungot siya? Ayos na sana sa kaniya kung sa unang parte ng panaginip niya ay may humahaplos at nagro-romansa sa kaniya. Pero hindi, dahil pagdating sa gitna ng panaginip niya ay biglang mapapalitan..... At iyon ay biglang makikita niya ang mukha at maririnig ang boses ng lalaki na gusto siyang isama sa kaniyang mundo. Ang masahol pa roon ay nasa loob ito ng salamin.
103.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Agam ng Kahapon

Agam ng Kahapon

Ukiyoto Publishing
3.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Muling Pagtibok ng Puso

Muling Pagtibok ng Puso

Jam Mike
Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
108.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Take #2: Para sa Forever

Take #2: Para sa Forever

Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito. Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya, Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid? Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Magiging maligaya na nga ba siya?
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo

Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo

“Kung pareho tayong nasa panganib, sino sa tingin mo ang unang ililigtas ni Jared?” Bigla niyang tanong. “Ano?” Wala akong pagkakataon na iproseso ang mga salita niya dahil sa sumunod na sandali, nakaramdam ako ng pagtulak sa likod ko at nawalan ako ng balanse, gumulong ako sa hagdan at bumagsak sa ibaba. ***************** Na kay Arielle na ang lahat–magandang career bilang talentadong chef at tagumpay na pagsasama kasama ang isang Bilyunaryo. Habang ang asawa niya ay malayo, naniniwala siyang nagmamalasakit ito sa kanya ng husto. Kuntento na siya sa kanilang relasyon, at naappreciate niya ang napagsamahan nila. Isang araw bago ang ikatlo nilang wedding anniversary, nadiskubre niya na buntis siya at sabik na sabik at puno ng pag-asa. Umaasa siyang maibabalita niya ito sa kanyang asawa, sigurado siya na magdadala ito ng positibong pagbabago sa pamilya at maaari pang lumambot ang ugali niya. Pero, iba ang plano ng tadhana. Bago pa niya maisiwalat ang pagdadalangtao niya, isang hindi inaasahang tao ang nagpakita mula sa nakaraan ng asawa niya–”ang dati niyang kaibigan”. Habang papasok ang bagong dating na ito sa buhay nila, lingid sa kaalaman ni Arielle, ang hindi inaasahang pagdating ay hahamunin ang lahat ng alam niya tungkol sa kanyang pagsasama, sa asawa niya, at kanyang sarili.
105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Mukha ng Pag-Ibig

Ang Mukha ng Pag-Ibig

Maria Angela Gonzales
Nang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?
4.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

death_pen23
Ashton Kiel Alvarez, ay isang binatang nangulila sa kalinga ng kanyang pamilya. Bata pa nung siya'y iniwan ng kanyang kuya, na nag sanhi na rin sakan'ya ng trauma. Hindi na syang ng iwan ng iba, kasi takot narin syang maiwan tulad ng ginawa ng kanyang kuya. Taon ang lumipas at handa na sya upang pamunuan ang kanilang kompanya. Sa panahong 'yon nakilala nya ang babaeng alam nyang para sakanya. Pinangarap upang dalhin sa altar at pagsilbihan habang buhay. Ngunit nabuo ang isang pagkakamali. Na hindi nya inakalang 'yon ang wawasak sa lahat ng pangarap nya. Kaya nyang bang iwan ang taong ginawa na nyang tahanan? Kaya nya bang iwanan yung taong lubos nyang pinahalagahan. Mananatili ba sya o tanging abo ang haharap sa altar.
2.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Lungsod Ng Maldicion

Lungsod Ng Maldicion

Jheyrick Casipe Baliguat
The journey to hell starts with the happiness within our smiley face, unexpected the fear after. The place that we've to expect as paradise was wrong cause there is no paradise after our first step and the sad part there is no turning back after you enter the gate of mystery and fear. We've locked in this place and we don't know what we will gonna go to, we're like screaming dead and no one listens.
92.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Isang gabi sa piling ni Bakla

Isang gabi sa piling ni Bakla

PROSERFINA
Kung hindi pa malalagay sa malalang karamdaman ang ina ni Basha, hindi niya malalaman ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi niya akalain na anak siya ng isang mayamang businessman. Sa kagustuhan na maoperahan ang kanyang Ina ay lumuwas siya ng maynila upang humingi ng tulong dito. Ngunit kahihiyan lamang ang inabot niya dahil pinagtabuyan siya nito at hindi kinilalang anak. Dahil sa kaibigan niyang si Myla nagkakilala sila ni Diego. Naghahanap kasi ito ng surrogate woman na papayag makipagtalik sa kanyang nobyo na si Thaddeus upang magkaroon ng anak at maipamana kay Thaddeus ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. Pumayag siya sa isang gabi kapiling ang isang bakla upang tuluyang mapaoperahan ang kanyang ama at dalhin ang magiging anak nito. Nakipagsiping si Basha habang nakatakip ang kanyang mga mata ay patay ang ilaw kaya hindi niya alam kung ano ang anyo ng lalaking katabi niya sa kama. Simula nang makatikim ng babae si Thaddeus ay palagi na niyang naalala ang gabing angkinin niya ang babae. Hangang sa humantong sila sa kasal at kasunduan. Mapanindigan kaya ni Basha at Thaddeus ang kunwaring pagsasama nila para sa kasal at upang mailipat kay Thaddeus ang hinahangad na mana? Magawa kaya ni Thaddeus na iwan si Diego at talikuran ang ilang taon nilang relasyon upang mas maging tahimik ang kanyang buhay at maging asawa at ama sa dinadala ni Basha?
102.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
34567
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status