Yesterday's Scars of Forbidden Happiness
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro.
Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro.
Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
1.4K viewsOngoing