Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
That Star Studded Night

That Star Studded Night

Nagsimula sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ni Lily. Ang ibenta ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang mahal na ina. Pero hindi nito inakalang ang aangkin pala sa kanya sa gabing iyon ay ang pinaka hindi niya inaasahang tao sa buhay niya. Si Noah Visser. Ang anak ng amo ng kanyang ina. Natapos ang gabing iyon at hindi na ginusto pang makilala ni Noah si Lily. Kaya naman nang matapos ang binata sa Dalaga ay agad na itong umalis sa lugar at kinuha ang pera upang mailigtas ang kanyang ina. Nagpakalayo layo na silang mag-ina sa Pilipinas. Nagsikap, at nagtayo ng sariling negosyo, dahil hindi na gusto pa ni Lily na maulit ang nakaraan. Ngunit paano makakalimutan ni Lily ang nakaraan kung nagbunga ang gabing gusto na niya sanang ibaon sa limot.
Romance
439 viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1022.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Escape Marriage

Escape Marriage

vintaegexmc
Talulla Fay Zelda, nag-iisang anak ng isang sikat na mag-asawa na may-ari ng malaking kumpanya sa may Cavite. Lagi siyang sunod-sunuran sa bawat sabihin ng mga magulang niya at alam niya sa sarili na nakakasakal na ang gano'n na sitwasyon o sistema, kaya nang sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na ikakasal siya sa isang anak ng mga Osvaldo, ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. At ang lalaking iyon ay si Sebastian Kenji Osvaldo, na siyang magiging Heir ng isang sikat na magazine company sa buong bansa at kilala rin internationally na, Dazzle Company. Kilala si Sebastian na mabagsik at hindi napapaamo sa kahit sino man. Wala itong pinapansin kung hindi naman trabaho ang usapan. Giginhawa kaya ang buhay niya sa piling ni Sebastian? O mas lalo lang gugulo ang inaasam niyang kalayaan sa buhay?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10591 viewsOngoing
Read
Add to library
A Playboy's Touch

A Playboy's Touch

'Kasal muna bago ang lahat.' Isang tradisyunal na paniniwala ni Sunday Morales na kaniyang labis na pinahahalagahan. Kaya nga kahit gusto ng nobyo niyang may mangyari sa kanila ay umaayaw s'ya. Nang isang araw ay naabutan niya itong halos gumawa na ng kababalaghan kasama ang isang babae. At noon din nama'y nakilala niya ang isang estrangherong lalaki na parang may dalang sumpa at hindi niya matanggihan. Isang gabing kaniyang pagsisisihan dahil ibinigay niya ang kaniyang pinakaiingatang dangal. Isang lalaking mahilig sa babae. Mapaninindigan kaya niyang ilayo ang sarili dito gayong patuloy ito sa paglapit at pang-aakit sa kaniya?
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unrequited Love

The Billionaire's Unrequited Love

Ang tanging gusto lang ni Hastiana Florence sa buhay niya ay mapansin at mahalin ng isang Connor Sullivan kagaya ng pagmamahal niya para dito kaya naman ibinigay niya ang sarili niya dito sa pag-aakala na magiging parehas ang nararamdaman nilang dalawa pero nangangarap lang pala siya dahil kahit kailan ay hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya. Napuno siya ng lungkot at takot lalo na nung nalaman niya na nagbunga ang ginawa nila ni Connor. Upang maiwas sa kahihiyan ang mga magulang ay mas pinili niyang magpakalayo nalang at kalimutan ang lahat. Paano kung isang araw ay magparamdam si Connor sa kaniya?
Romance
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Chaotically Falling | Ducani Series #2

Chaotically Falling | Ducani Series #2

Keios was a rebel who's so inlove with danger and lust, pero si Eunice? Siya ang klase ng panganib na unang nagpadama sa kanya ng takot at walang kapantay na pagnanasang kahit kailan ay hindi niya pa nadama sa iba. This can't be. He can't be lusting for a married woman now that his whole world got stuck on a wheel chair! Pero kaya niya ba? Mapipigilan ba niya ang tibok ng puso niya kung halos lahat ay makakalaban niya-pati na ang sarili niya?
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Neighbor is My Husband

My Billionaire Neighbor is My Husband

Chloe Haynes
May dalawang lalaki ang nanggugulo sa buhay ni Sanaiah. Una ay ang lalaki sa kanyang panaginip na kahit kailan ay hindi pa humaharap sa kanya kaya hindi niya alam ang hitsura. Ganoonpaman, pakiramdam niya ay nagkita na sila ng lalaking iyon dahil lahat ng panaginip niya tungkol dito ay parang totoo. The other man was Klyde Sylvan Imperial, her billionaire neighbor and the man who constantly turns her days into disaster. Palagi na lang kasi nitong sinisira ang araw niya. Kung si Sanaiah ang tatanungin, hinding-hindi siya kailanman makikipaglapit sa lalaki, iyon ay sa kabila ng katotohanan na noon pa siya nito kinukulit para maging nanny ng mga kambal na anak nito. Pero may pasabog ang tadhana, kasabay ng isang trahedyang magiging dahilan para tanggapin niya ang inaalok na trabaho ni Klyde ay ang pagharap ng lalaki sa kanyang panaginip. Si Klyde at ang lalaki sa kanyang panaginip ay iisa. Nagpasya si Sanaiah na maging nanny sa mga anak ni Klyde sa pag-aakalang doon matatahimik ang buhay niya. Ang hindi niya alam, nang dahil sa desisyon niyang iyon ay mas lalo lamang magiging kumplikado ang lahat dahil sa mga lihim ni Klyde na isa-isa niyang matutuklasan.
Romance
5.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status