The Rented Wife
Mag-isang tinataguyod ni Renice Ocampo ang kaniyang pamilya matapos ang trahedyang nangyari sa kanilang ama noong sila'y bata pa. Magmula noong mawala ang kaniyang ama, siya na ang umako sa responsibilidad nito, na ginagawa rin naman niya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay nito.
Ngunit kahit anong pagtatrabaho ni Renice ay lugmok pa rin sila sa kahirapan, at hindi na makakabangon pa. Pero kahit gano'n, hindi titigil ang dalaga hanggang hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Handa niyang gawin ang lahat mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, na dapat naman ay talagang kanilang tinatamasa kung hindi lang namatay ang kanilang ama.
Hanggang sa makilala niya ang bago niyang boss na nais siyang rentahan upang maging asawa nito, at handa siyang sweldohan sa kahit magkanong kaniyang naisin.
Ito na ba ang simula ng magandang buhay na minimithi ni Renice? O ito ang simula ng buhay na muli niyang nais matakasan?
Let's find out.
1042.6K viewsOngoing