MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya.
Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya.
She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali.
Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
2.7K viewsCompleted