The Substitute Bride of The Billionaire
Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito.
Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya.
Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.