Drifted to you
Mnémosynce
Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa.
Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?