PAID IN SHADOWS
Sa Pilipinas, hirap at tiyaga ang susi sa pag-angat, lalo na para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Si Tresandrus Villafahr o kilala sa pangalang Tres, isang binatang may matayog na pangarap para sa pamilya— ay napilitang tumigil sa pag-aaral upang suportahan ang kapatid at alagaan ang maysakit nilang ina. Bilang breadwinner ng pamilya, pinasok ni Tres ang trabahong labag sa kanyang paniniwala at prinsipyo—ang pagiging male prostitute. Nilunok niya ang kanyang hiya at dignidad, isinakripisyo ang kanyang sarili para sa kinabukasan ng pamilya.
Sa madilim na mundong kaniyang ginagalawan, isang gabi, pinasok ni Tres ang madaliang trabaho para kumita ng mas malaking halaga na makakapagligtas sa Nanay niya—ang maging isa sa bidding item. Sa gitna ng tila mga hayok na mayayamang kalalakihan, isang naiibang babae ang nagtaas ng bid paddle at binili siya sa halagang hindi kayang pantayan ng sinumang naroon sa kaniyang harapan.
Ang gabing iyon ay nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay ni Tres.
Sino ang babaeng ito at ano ang dala niyang pagbabago? Magkakaroon kaya si Tres ng lakas upang baguhin ang kanyang kapalaran, o mananatili siyang alipin ng mga makapangyarihan? Magkakaroon kaya sila ng pangalawang pagkakataon, o ito’y panandalian lamang?