Signed To Be His Wife
Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang.
In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya.
Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?