Mark Me, Mr. Lawrenceville
APHRODITE
Para kay Margarette Martha Graciano, tama nang minsang nabaliw siya para sa pag-ibig. Tumigil ang mundo niya para sa pagmamahal na ngayo'y pinaniniwalaan niyang hindi para sa kaniya. Kinalimutan niya na ang batang puso, ang batang puso na umibig nang husto sa lalaking unti-unti niya nang kinalimutan. Ngunit sa pagbabalik sa lugar kung saan nais niyang lumagay na sa tahimik, ay siya ring pagbabalik ng taong takot siyang sirain ulit ang mga pader na matayog niyang itinayo para sa kaniyang sarili.
Timothy Ian Lawrenceville, Margarette's greatest first love, heartbreak, and her biggest downfall. Kailanganmay hindi na niya lilingunin ang lalaki. Ngunit hinding-hindi na nga ba babalik pa kung may malaking sugat na naiwan sa mga puso nila? Paano kung ang pag-ibig na mismong gustong kalimutan ay may marka ng kahapong patuloy na bitbit ni Margarette. Ang kanilang anak, ang batang inalagaan niya ng ilang taon, pinuno ng pagmamahal at aruga ay nagnanais din ng kalinga ng isang amang ipinagkait ni Margarette rito dahil sa kaniyang poot dahil sa paniniwalang nagtaksil ang lalaki sa kaniya. Wala nga ba talagang pangalawang pag-ibig at pagkakataon, o sadyang hindi naman talaga ito nakalimutan kahit lumipas ang panahon. It marked, a mark that would not fade easily. A Mark that lasts forever.
2.6K viewsOngoing