Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
1024.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Ilang taon na nagdusa si Erin sa konsensiya nang mamatay ang kaklase nila noong high school. Nang dahil sa udyok ng kanyang itinuring na mga kaibigan, tinanggap nito ang dare dahilan para ito mauwi sa trahedya. Pitong taon pa ang lumipas at hindi niya inaasahan na lalo siyang parurusahan ng tadhana nang ilagay ng kanyang stepfather sa last will and testament nito na mapupunta ang lahat ng ari-arian nila sa mga Arvesso—ang miyembro ng pamilya na namatay noon—at kasama siya sa mga kasunduan. Iyon na nga siguro ang parusa niya ang maging asawa ng taong matindi ang pagkamuhi sa kanya, si Orion. She believed he would let go of the past once they were married. However, it turned out that before becoming her husband, he had played the role of a protective brother. He agreed to the marriage to torment her.
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
TRAPPED IN HIS WRATH

TRAPPED IN HIS WRATH

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Red Gabrielle Story) Huminto saglit sa pagtibok ng puso ni Yuri ng magkasalubong ang kanilang mata ni Red- ang lalaking kay dilim at kay lalim tumingin. Takbo... iyon ang babala ng kanyang utak- ngunit paano siya makakawala sa mala-bakal nitong mga bisig gayong sa tuwing sinusubukan niyang lumayo ay ibinabalik siya nito sa bisig nito? TRAPPED SERIES#4. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
1020.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Reid Alvedo

Chasing Reid Alvedo

Si Aliyah Venice Monterde ay kilala sa pagiging isang mabuting anak, na laging sumusunod sa anumang sasabihin ng kanyang mga magulang. Alam na niya noong una pa lang na kailangan niyang pakasalan ang isang mayamang lalaki para sa ikalalago ng kanilang kumpanya. Noong una ay hindi niya kinukwestyon ang idea ng isang arranged marriage. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang nag-iisang lalaking inilaan sa kanya, Ang napakasamang si Reid Alvedo.
17.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
9.117.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving a Player

Loving a Player

Rubye GT
Hindi akalain ni Dawn na muling magku-krus ang mga landas nila ni Art Nickolo Montez, ang lalaking tahasan siyang tinanggihan noong high school siya. Ang dahilan? Hindi raw sila bagay, dahil hindi siya kagandahan. Noon siya natutong mag-ayos at magpaganda. Ngunit habang umaangat ng isang baitang ang kagandahan niya ay tila tatlong baitang ang iniaangat ng kagwapuhan nito. At ngayong nagpapakita ito ng interes sa kanya, paano naman niya itong seseryosohin? Kung bukod sa may boyfriend siya at may kabi-kabila itong mga babaeng ikinakama, ay hindi nito ikinakaila kung ano lamang ang gusto nito sa kanya, ang matikman siya.
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
JOIN ME: Rigel Skye

JOIN ME: Rigel Skye

Ako ang anak na pinapangarap nila, at siya ang lalaking pinalaki para sa akin. Hindi kami magka-apelyido o magkadugo ngunit magkapatid ang turingan namin sa loob ng bahay at sa harap ng mga magulang ko. — Heaven Abellana Bata pa lang ay alam ko kung bakit ako pinalaki. Matagal akong naghintay at walang makakapigil sa kagustuhan kong makuha siya. Dapat lang na kunin ko ang bagay na pinangako nila. — Rigel Skye
17.6K viewsCompleted
Read
Add to library
His Reluctant Luna(Tagalog)

His Reluctant Luna(Tagalog)

N Chandra
"Anong ginagawa mo?" sigaw ko nang tanggalin ng malaking lalaki ang engagement ring ko sa daliri ko. "Hindi!" napasigaw ako nang itinapon niya ang diamond ring. "Akin ka! Naiintindihan mo ba? Akin ka lang!" ang kanyang napakagandang berdeng mga mata ang bumungad sa akin. "Never! I reject..... " Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, nakalapat ang bibig niya sa bibig ko, inaangkin ang labi ko sa isang matinding paghalik. Maayos ang buhay ni Alice, may magandang trabaho, at isang kahanga-hangang kasintahan. Bukod sa isang maliit na lihim niya, siya ay isang werewolf, at kontrolado niya ang buhay niya.Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malupit na pag-atake ay ipinadala siya sa malayo upang manirahan kasama ang kanyang tiyahin, isang keeper. Si Alice ay tinatawag na isang urban werewolf na walang balak na hanapin ang kanyang mate. Ngunit hindi nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan nang angkinin siya ng pinakagwapo, makapangyarihan at mapanganib na Alpha ng US bilang kanyang mate. Ang kanyang wolf ay nang-iinit ngunit binabalaan siya ng kanyang isipan laban sa bagay na iyon. Paano niya tatanggihan ang pagiging Luna niya?
1015.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)

Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)

Mila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kaniya. No one wants to befriend her just because of having curly hair and brownish skin. At kung anu-anong klase na rin ng pambu-bully ang ginawa ng mga kaklase niya sa kanya. Sa kabila ng panlalait at pananakit na ginagawa sa kaniya, nagagawa pa rin niyang maging matatag. Pero anong mangyayari kapag makilala niya ang pitong nagguwa-guwapohang lalaki na hinahangaan ng lahat? Magbabago ba ang pakikitungo ng lahat sa kaniya? O mas lalong lumala lang ang sitwasyon niya? Written and Cover Artwork by Li'l Lily
1015.3K viewsCompleted
Read
Add to library
One Hot Night With The Billionaire

One Hot Night With The Billionaire

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
1014.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status