The CEO And His Stubborn Obsession
Para mailigtas ang bahay nilang malapit nang marimata, Amara De Leon ay napilitang ibenta ang sarili sa isang estranghero kapalit ng malaking halaga. Kinaumagahan, tinanggap niya ang bayad at umalis nang hindi lumilingon.
Isang buwan ang lumipas, at doon niya nalaman ang hindi niya inaasahan... buntis siya. Nang matuklasan ito ng kanyang mga magulang, itinakwil siya at pinalayas. Sa loob ng apat na taon, tiniis ni Amara ang lahat—nagbanat ng buto sa iba’t ibang trabaho, pinalaki ang anak nang mag-isa, at pilit itinaguyod ang sarili upang makapagtapos.
Hanggang sa dumating ang pagkakataon na maging sekretarya siya sa isang kilalang kumpanya. Ngunit nang humarap siya sa kanyang bagong boss, halos mabura ang mundo niya nang makita kung sino ito. Cassian Montenegro.
Ang lalaking minsang binayaran siya... at ang ama ng kanyang anak.
Pero bago pa siya makatakbo palayo, isang balita ang narinig niya... Si Cassian ay kasalukuyang engaged at malapit nang ikasal.
At ngayon, araw-araw silang magkasama sa opisina, habang pilit niyang itinatago ang lihim na maaaring makagulo sa buhay nito. Ngunit paano kung si Cassian mismo ang makatunog na may isang bagay siyang hindi sinasabi? At paano kung ang isang gabing hindi nila inasahan ay hindi pa talaga tapos?