AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO
Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya.
Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon.
Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila?
Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon?
"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—"
"Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?"
Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila.
"Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!"
"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
8.6312.2K DibacaOngoing