The Run Away Fiancee.
Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave.
Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo.
Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila.
Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan.
Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman.
Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba?
May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
1011.3K viewsCompleted