The Day I Fell In Love With You
KAAWAY. Isang salita na sa bokabularyo ni Rajinah ay siyang naglalarawan sa isang taong wala nang ginawa kung hindi ang painitin ang ulo niya—si Kenzo Martinez. Para bang hindi magiging buo ang araw kapag hindi siya nito naasar.
Isang araw, nagulat na lang ang dalaga sa kakaibang damdamin na sumibol sa kanyang dibdib para sa binata na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magiging espesyal para sa kanya. That drastic changed happened when Kenzo suddenly showed the other side of him which was sweet, caring and genuinely tender.
But she should not be confused, right? Her heart already belonged to another man. A man that she cherished in her heart for years now. A man who she thought was the total opposite of Kenzo.
Pero bakit isang halik lang ni Kenzo ay nanlambot na kaagad ang tuhod niya at natunaw kaagad ang resolba niya na panghabang-buhay itong ituturing na kaaway?