Alipin ng bilyonaryo
Matapos ang ilang taon na pamamalagi sa America, muling bumalik sa Pilipinas si Kiara, upang alagaan ang inakalang may sakit na mga magulang.
Ngunit napunta s'ya sa kamay ng isang bilyonaryo at mafia boss na si Tristan Mondragon, matapos siyang gawing pambayad-utang ng kanyang mga magulang.
At sa hindi inaasahan, muling nagsanga ang landas nila ng kanyang ex-boyfriend na nagtaksil sa kanya at muling humihingi ng kanyang kapatawaran.
Magawa pa kayang takasan ni Kiara ang bagong masalimuot niyang mundo? O mananatili siyang alipin ng kanyang kasalukuyan at nakaraan? May pag-asa pa kayang mapalambot niya ang puso ng mala-leon na si Tristan?