Broken Promise
Sa araw na dapat ay puno ng saya at pagdiriwang, nadurog ang puso ni Jullie Monteverde nang mahuli niya ang kanyang unang pag-ibig na si Didrey James Alcantara na may kahalikang ibang babae. Mula sa pitong taong relasyon na akala niya’y matibay at totoo, isang iglap lang ang ginugol upang gumuho ang lahat.
Tinakbuhan ni Jullie ang lalaking minsang naging mundo niya, dala ang sakit, galit, at pangakong hindi na muling babalik. Ngunit ang nakaraan ay hindi basta-basta nagpapakawala.
Sa muling pagtatagpo nila, haharap si Jullie sa lalaking handang gawin ang lahat upang makabawi—kahit huli na.
Sa pagitan ng pagmamahal na minsang naging totoo, ng sugat na hindi pa tuluyang naghihilom, at ng bagong lalaking darating upang iparamdam sa kanya ang pag-ibig na karapat-dapat, kailangang pumili ni Jullie:
Magpapatawad ba siya…
o pipiliin niyang magmahal ng mas tama sa pagkakataong ito?
Isang kuwento ng pagtataksil, pagbangon, at ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.