I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)
Si Natasha Marie Garcia ay napasok sa isang sitwasyon na hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Inakala niyang pupunta siya sa Silvestre Mansion para maging isang kasambahay.
Ngunit nagkaroon ng setup si Don Juanito. Gusto niyang mapalapit si Natasha sa kanyang apo, kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila at magpakasal.
Hindi sana papayag si Natasha, pero wala siyang nagawa kundi magpakasal. Inakala niyang ikakasal lang siya sa isang mayaman, arogante, at nakakainis na lalaki. But she didn't know she was getting married to the leader of the most powerful hidden mafia in the country.
Mapaglaro ang tadhana; habang tumatagal ang araw na kasama niya ang kanyang asawa, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito.
Hanggang isang araw, natuklasan ni Natasha ang lihim ng kanyang asawa. Behind his sweet and loving smile was a dangerous and powerful mafia boss.
Sa una, natakot siya, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa, kaya tinanggap niya ito ng buong puso sa kabila ng madilim nitong buhay.
Masaya sila, ngunit dumating ang isang trahedya na nagbago ng kanilang masayang pagsasama. Namatay ang ina ni Natasha sa isang ambush at sinisi niya si Giovanni. She left her husband without a word because of the anger she felt.
Binalot ng galit si Natasha, at nagdesisyon siyang maghiganti.
Paano mapapatawad ni Natasha ang kanyang asawa kung ang sugat ng nakaraan ay masyadong malalim?
Mananaig ba ang kanyang pagmamahal sa lalaking una niyang minahal? Maibabalik pa kaya ang kanilang masayang relasyon?
Ano ang gagawin ni Giovanni para mabawi ang babaeng mahal niya?
Babalik ba si Natasha sa kanya? O ang kanyang minamahal na asawa ay magiging kanyang kaaway?
10262.2K viewsCompleted