ACCIDENTALLY IN LOVE
“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.”
Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya.
Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang.
Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya.
Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista.
Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
107.8K viewsCompleted