Babysitting the Billionaire's Baby
Duchess GN
Sa dinami-rami ng mga aplikante ay si Andrea o Andeng ang nakuha bilang babysitter sa anak ng isang bilyonaryo na si Rafael Ignacio Alvarado. Sa napakalaking halaga ng pera na hindi niya kikitain kahit limang taon pa siyang magtrabaho ay kailangan lamang niyang alagaan si Travis Alvarado, dalawang taong gulang.
Kailangan niya itong timplahan ng gatas, paliguan, bihisan at patulugin.
Simpleng simple lang iyon kung tutuusin kaya't ang akala niya ay swerte na siya dahil sa kaunting trabaho lang ay sasahod na siya ng limpak-limpak na salapi.
Pero bakit hindi lang si Travis ang kailangan niyang alagaan? Bakit kailangan niya ring painumin ng gatas, paliguan, hubaran at samahan sa pagtulog si Rafael Ignacio, ang boss niyang bilyonaryo.
1.4K viewsOngoing