Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
9.8209.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unwanted Wife (Taglish)

Unwanted Wife (Taglish)

"Kasal kana Thunder!" malakas na sigaw ko rito at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha. "Shut up, you bitch! Ano ngayon kung kasal na tayo? Sa tingin mo magbabago ang pakikitungo ko sayo? Huwag kang umasa Jewel! Kasal lang tayo sa papel, dala mo lang ang apelyido ko pero hindi mo ako pag mamay ari at kahit kailan ay hindi kita mamahalin! Itaga mo 'yan sa isip mo!" sigaw niya sabay alis. Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon, pilit hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli siya ay pikit matang iiling, itatabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang pagmamahal para sa kanyang asawa. Para sa lalaking kailanman ay hindi niya nakikitaan ng pagmamahal sa kanya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag ibig? Hanggang kailan niya kayang magtiis at lumabang mag isa? Hanggang kailan niya ilalaban ang isang laro na pilit pinapatalo ng taong mahal niya? Jewel Dawson, nag iisang anak at tagapagmana ng pamilyang Dawson, nakatakda na maging asawa ni Thunder Alcantara na nanggaling din sa mayaman na pamilya. Isang taong pagdurusa. Isang taong sakit. Isang taong pagiging miserable. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pagmamahal?
9.8324.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Married a Secret Billionaire

Married a Secret Billionaire

Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."
9.41.1M viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

"Anong dahilan ito ng pakikipaghiwalay mo?" tanong ni Zeus kay Maureen, "hindi kita mapaligaya sa kama? anong kalokohan ito?" "Totoo naman, hindi mo ako mapaligaya sa kama. Uuwi ka ng bahay, matapos ang ilang linggo mong pagkawala, tapos, lalayasan mo ulit ako pagkatapos. Kaya tama yang nababasa mo, hindi mo nameet ang standards na gusto ko!" sagot ni Maureen sa lalaki. "Talaga ba? Ilan ang gusto mo? makapito tayo sa isang gabi? Sige, humanda ka sa akin pag uwi---" hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad niya itong sinagot. "Sino namang may sabing uuwian pa kita? ano ako, baliw?" kaagad pinutol ni Maureen ang tawag na iyon. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Subalit pagod na siyang habulin ang lalaki, gayong ang trato nito sa kanya ay isang basura! Tapos na ang pagiging masunurin niyang asawa. Sinayang lang nito ang pagmamahal niya. Paglipas ng panahon, naging isa siyang successful na fashion designer. Napapalibutan na siya ng mga bata at gwapong kalalakihan. Madalas niyang nakakasalamuha sa mga events ang dati niyang asawa. Minsan, kinorner siya nito sa sulok saka hinalikan. "Maureen, mahalin mo ulit ako, please.." pakiusap nito. "Gaya ng dati. Handa akong magpaalipin sayo, balikan mo lang ako."
9.6563.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
9.41.7M viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Siya’y isang mahirap na babaeng lumaking nakadepende ang kanyang buhay sa iba. Napilitang maging isang panakipbutas sa krimen at piniling ipagpalit ang kalayaan na nagresulta sa kanyang pagkabuntis. Siya naman ay ang pinakatanyag na binata na sagana sa kayaman at kapangyarihan. Kumbinsido siyang isa siyang anak ng kasamaan na napalilibutan ng kasakiman at panlilinlang. Hindi siya nito magawang mapainit kaya naman mas pinili niyang umalis sa tabi nito. Galit na galit niyang sinumpa na gagawin niya ang lahat upang mahanap siya saan mang lupalop ng mundo ito naroon. Alam ng buong lungsod ang kanyang kapalarang tila mauupos sa ilang milyong piraso. Nagmamakaawa niyang tinanong, “Umalis ako sa relasyong ito nang walang kinuhang kahit ano, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Sinagot sya nito na may pagmamalaki, “Ninakaw mo ang puso ko at iniluwal ang aking anak, ngayon pipiliin mong umalis?”
9.8274.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
8.8116.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
8.6305.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 Ayeisha : Her Broken Piece

Ayeisha : Her Broken Piece

“I-I will never like you. N-never. S-si Jena ang mahal ko kaya itigil mo na itong kalokohan mo, Ayeisha. Ikakasal na rin kami. K-kapatid lang ang turing ko sa ‘yo. Get it? Kaya kahit maghubad ka sa harap ko habang nagdedeliryo ako dito, hinding-hindi ako maakit. Dahil wala kang dating sa akin bilang babae.” -KING HERNANDEZ. ‘Yan na yata ang pinakamasakit na salitang binitawan ni King Hernandez kay Ayeisha Santillan, na nagdulot ng malaking sugat sa puso niya. Lalo na nang magpakasal ito sa nobya nito. Pakiramdam niya, dinurog at piniraso nito ang puso niya. Kaya napilitan siyang magpakalayo para makalimot. Pero paano kung muling pagtagpuin sila ng tadhana sa isang lugar na iba ang kan’yang katauhan? Makikilala kaya siya nito? Mapipigilan pa kaya niya ang muling pagtibok ng durog niyang puso?
10134.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Whisper of the heart

Whisper of the heart

Bukangliwayway18
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa lalaking minamahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang tinitibok ng puso mo? hanggang kailan ka aasa na darating ang panahon na mamahalin ka din ng lalaking binulag ng kasinungalingan? Handa ka bang magtiis at manatili sa relasyong, ikaw lang ang may gusto? Relasyong galit ang naghahari sa puso ng lalaking minamahal mo? "Why do you hated me this much?! Ano bang ginawa ko?! Was it a crime to love you?! Sabihin mo! Kasi hindi ko naiintindihan!? Kung ayaw mo sa akin, bakit kasama kita ngayon?! If we're not meant to be then, bakit I have to make s*x with you again! Garrett sabihin mo! Kasi tao din naman ako! Sabihin mo bakit?!" "Dahil pinatay mo ang Mama ko!" "A----ano?! Hindi ko ginawa iyon! Hindi ako kriminal!" "Ki... hindi ikaw ang pumatay! Parte ka pa rin ng pamilyang iyon and I hate You!"
9.244.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
50
DMCA.com Protection Status