Instant Billionaire's Wife
Nakipagsapalaran sa Maynila si Charlie para makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin, masuportahan ang pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid, at maibsan ang pinansyal na responsibilidad ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglilibot para mag-apply ng trabaho, isang puting van ang biglang huminto sa harapan niya, at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki.
May kung anong tumama sa batok niya, dahilan upang mawalan siya ng malay.
Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at suot ang isang wedding gown. Ilang tao ang nasa paligid niya, abala sa pag-aayos sa kanya.
Nang tanungin niya kung ano ang nangyayari, nagulantang siya sa nalaman—
Ikakasal na siya!