Love Amidst Deceit
“I don't want to disappear, I just want to be found, and understood. I don't know how to continue in life.”
Save yourself from the pain other people might cause.
**
Si Scarlet Shim at Ethan Evans ay mag-asawang naghahangad ng maayos na pamilya at magandang buhay. Hindi man perpekto ang kanilang pagsasama, nagagawa pa rin nilang piliin ang isa't isa sa gitna ng mga problemang kinahaharap. Ngunit isang araw, nagkaroon sila ng problemang hindi nila inaasahan na kanilang mararanasan. Isang problema na kaakibat ng buo nilang pagsasama. Ang problemang iyon ay ang nagdulot ng lamat sa kanilang relasyon, unti-unti nitong pinatay ang nabuo nilang pagmamahal. Si Scarlet ay naaksidente, at himalang nakaligtas ngunit ang tanging natatandaan lamang niya ay ang buhay n'ya 10 years ago. Lahat ng ala ala tungkol kay Ethan ay tila ba hindi nangyari.
Makatutulong ba ito upang sila ay maging maayos? O lalo itong magdudulot ng lamat sa mag-asawa? Maaalala pa ba ni Scarlet ang lahat? Pipiliin pa ba nilang ayusin ang pagsasama nila na nawasak dahil sa problemang dulot ng mga taong nakapaligid sa kanila?
**
“Ethan, I’m pregnant.” Those words shattered Scarlet's heart.What exactly happened inside their marriage?
3 VuesOngoing