Browse and discover the novel related to jenevieve that interests you most at GoodNovel. Novels in GoodNovel cover a wide range of genres such as Romance. Pick one and read it now!
MY POSSESSIVE LOVE
Jude Henry Gomez. mayaman, gwapo at anak ng isang bilyonaryo lahat na ata ng katangian ay nasa kanya na, kahit sinong dalaga ay papangarapin siya.
Mary Lynelle Abad isang simple na dalaga na nagmula sa simpleng pamilya na walang hinangad at pangarap kundi ang makatulong sa pamilya.
Paano kung gumawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin sila?
Hindi niya alam na ito ang panganay na anak na magiging amo niya.
Mababago kaya ng isang simpleng dalaga ang masungit at playboy na binata?
Paano babaguhin ni Mary Lynelle ang isang possessive na bilyonaryo na si Jude Henry.
How will Mary Lynelle change a possessive billionaire like Jude Henry Gomez?
SECRETLY IN LOVE WITH YOU
Simula pagkabata ay lihim ng minamahal ni Marycole si Rowan Martinez. Ngunit hindi ito makita ng binata, kahit na magpapansin siya dito ay dedma lang ang beauty niya. Hanggang sa sumapit ang debut niya at hiniling sa lalaki na maging last dance niya ngunit binigo siya nito.
Mula noon ay iniwasan na niya ito dahil tanggap niya na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan.
Hanggang sa nagtungo siya ng ibang bansa upang tanggapin ang opportunity na maging isang sikat na modelo.
Paano kung may pagkakataon na matupad ang matagal na niyang inaasam na pagibig? Susugal kaya si Marycole kung alam niyang simula noon ay hindi niya maaangkin ang puso nito.
Paano niya paninindigan ang nakatago niyang pagmamahal sa lalaki kung araw-araw niya ito makakasama at makikita?
Paano kung lingid sa kaalaman niya ay pareho silang may damdamin sa isa't -isa? Mananatili kaya nilang maitatago ang siyang sinisigaw ng kanilang puso?
How does Marycole Barraca keep from Rowan Martinez that she is Secretly in love with him from a long time?
Hot Night With Mattheus Martinez
SPG/ R-18+
Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You)
Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel.
Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito.
Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda.
Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila?
Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan?
Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
ISANG GABI SA PILING MO
WARNING/ R-18+
Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness.
Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR
SPG/R-18+
Tila isang panaginip lang ang lahat pagkatapos ng mainit nilang pinagsaluhan nagising na lamang si Ednalyn Del Socorro, code name Jade. Na hindi na siya si Jade, ang dating matapang na Agent ng Eagle Eye, na walang takot sa ano mang laban.Isa na lamang siyang simpleng sekretarya ng CEO ng isang malaking kompanya ng bansa ang EA group of companies. What if, ang bago nilang CEO na si Everette Altamerano ay walang iba kun'di si Sir Everette Ocampo ng Eagle Eye agency na dati n'yang superior na masungit pero umaapaw sa ka-guwapuhan nito? Makakaya kayang ipaalala muli ni Ednalyn Del Socorro sa dating malambing pero suplado si Sir Everette Ocampo, ang kanilang masayang nakaraan kung nalimot na siya ng dating minamahal na Superior na si Everette Ocampo? What's the next step, ano ang kayang gawin ng dating agent na matapang na si Ednalyn Del Socorro, upang muling manumbalik ang dating pagtingin ng kaniyang superior na si Sir Everette Ocampo? Or kailangan bang muli madugtungan ang mainit nila noon na pinagsaluhan upang manumbalik ang dati nilang pagmamahalan?
MY POSSESSIVE LOVE (ENGLISH)
Jude Henry Gomez. rich, handsome and son of a billionaire. All good qualities are in him. Every woman will dream of him.
Mary Lynelle Abad, a simple young woman and came from a simple family with no aspirations and dreams but to help the family.
What if destiny made a way for them to meet?
She did not know that He was the eldest son of her boss.
Can a simple girl change a rugged and playboy young man?
How will Mary Lynelle change a possessive billionaire Jude Henry Gomez?
Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)
Kuntento na sa buhay niya ang isang Scott Miguel Stewart. Umiikot lang ang pagiging single niya sa trabaho at sa kompanya na pag-aari ng pamilya niya. Minsan din ay ang past time sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kaniya. Ngunit never pa siyang na inlove.
Takbuhan din si Scott ng mga matalik niyang kaibigan kapag may kinakaharap na gusot. Bukod kasi sa pagiging CEO ng family business, isa ring tapat at matapang na attorney ang isang Scott Miguel.
Lagi niyang sinasabing hindi siya nagmamadali pagdating sa usaping pag-ibig dahil maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nag-e-enjoy siya sa pagiging single. Ika nga ni Scott, hindi pa ipinanganganak ang babae para sa kanya. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niyang may kaniya-kaniya ng pamilya.
Hanggang isang araw, may babaeng nakakuha sa atensyon ni Scott Miguel. Walang iba kun'di si Lovebele Lozano. Nakilala ni Scott si Lovebele, na dancer sa Elite club na pinuntahan nila ng dating classmate noong college pa siya.
Ang dating mapaglaro sa pag-ibig na si Scott Miguel ay na inlove nang sobra. Inalok niya ng kasal si Lovebele. Iyun pala ay sinadyang mapalapit ng dalaga kay Attorney Scott upang ito’y paibigin at kapag nagtagumpay ay saka niya bibitiwan ang binata.
Ang inaakala ni Attorney Scott na happy ending ay siya palang pagguho ng lahat ng pangarap niya para sa kanila ng babaeng iniibig.
Abangan ang buhay pag-ibig ni Attorney Scott Miguel Stewart and Lovebele Lozano, “Attorney Scott's Sweetest Downfall.”